Relasyon nina Kiray at Stephan ninega ng epal na basher: Maghihiwalay din kayo, walang forever... | Bandera

Relasyon nina Kiray at Stephan ninega ng epal na basher: Maghihiwalay din kayo, walang forever…

Ervin Santiago |October 03,2021
facebook
share this

Relasyon nina Kiray at Stephan ninega ng epal na basher: Maghihiwalay din kayo, walang forever…

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 11:01 AM

Stephan Estopia at Kiray Celis

BINUWELTAHAN ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis ang mga netizens na nagsasabing maghihiwalay din sila ng dyowa niyang non-showbiz na si Stephan Estopia.

Ninenega kasi ng ilang bashers ang  relasyon ng komedyana sa kanyang boyfriend, lalo na nu’ng ibandera nila sa isang vlog ang pagpapa-tattoo ni Stephan ng mga mata ni Kiray sa kanyang dibdib.

Pinusuan at ni-like ito ng kanyang fans at nagsabing mukhang natagpuan na nga ni Kiray ang lalaking pakakasalan at maaaring makasama hanggang buhay.

In fairness, talagang feeling dyosa at super haba ng hair ni Kiray nang totohanin nga ni Stephan ang pagpapa-tattoo at bukod daw sa mata, may iba pa raw balak ipa-tattoo ang binata sa susunod na pagkakataon.

Chika ni Kiray sa panayam ng GMA, matagal na itong gustong gawin ni Stephan, “Nakakahaba ng buhok na ipa-tattoo ka ng isang partner mo. Para sa amin kasi, kaya daw two ‘yung mata kasi road ‘two’ forever na raw. Naks!” 

Kuwento pa ng Kapuso comedienne, mas naging espesyal pa ang pagpapa-tattoo ng kanyang dyowa nang sabihin nito sa kanya na ang litrato niya na kuha mula sa photoshoot at makeover na ginawa sa kanya ng celebrity makeup artist at stylist na si Fanny Serrano.

Lahad ni Kiray, “Natuwa naman ako kasi siyempre miss na miss ko na rin si TF eh. Ang pinaka-favorite na pictorial ko sa buong buhay ko ‘yung gawa talaga ni Tito Fanny.”

Mas lalo pang humaba ang hair ni Kiray nang sabihin ni Stephan na plano rin niyang ipa-tattoo ang mukha at ang pangalan ng aktres, pati na rin ng kanilang magiging baby in the future.

“Sabi niya, gusto niya, eh. Sabi ko ‘Huwag muna. Teka lang naman, hinga-hinga muna tayo,” chika ng dalaga.

Feeling ni Kiray, talagang nakita na niya ang kanyang forever sa katauhan ni Stephan, “Sabi ko ‘Gusto kong makahanap ng kagaya ng papa ko. Noong nakausap ko pa lang siya, sabi ko ‘Ito na ‘yun.” 

Kasunod nga nito, sinagot ni Kiray ang ilang bashers na nagsabing maghihiwalay din sila ng kanyang boyfriend dahil ang totoo, “walang forever.”

Matutulad din daw sila sa mga dating magdyowa na nagpalagay ng “couple tattoo” pero naghiwalay din. Katwiran naman ni Kiray, iba-iba ang tadhana ng bawat tao sa mundo.

“Huwag natin lahatin. Hindi lahat ng nagpapa-tattoo, nangyayari ‘yun sa kanila. Nakadepende ‘yun sa dalawang taong nagmamahalan at nagrerespetuhan sa isang relasyon,” paliwanag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pang pahayag ng Kapuso star, “Ako, gusto ko makahanap ng kagaya ng papa ko. Nu’ng nakausap ko pa lang siya, sabi ko, ‘Ito na ‘yun!'”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending