Sarah, Matteo pinakilig ang netizens: We’ve overcome boundaries
TRENDING muli ang mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli matapos mag-viral ang video ng dalawa.
Ibinahagi ng aktor ang nasabing video sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang sweet na sweet sila ng asawa.
“Ladies & Gents, I’d like to share with you how proud I am of this lady, my wife.
“The journey was never easy, and that’s exactly what makes hs who we are today.
“You’ve evolved, you’re empowered. And our lives are forever changed.
“Love, we’ve overcome boundaries,” saad nito sa naturang post.
Hindi lang netizens dahil pati ang mga celebrity friends nang mga ito ag kinilig sa video ng dalawa para sa isang brand.
Ilan na nga rito ay sina Judy Ann Santos, Liz Uy, Iza Calzado at marami pang iba.
Inulan ng mga heart emojis ang comment section. May ilan ring nagko-comment ukol sa posibleng pagbubuntis ni Sarah.
“Parang buntis na si Sarah ganda nya grabe,” comment ng isang netizen.
“Why do I feel like I’m the only one who thinks that the pregnancy announcement is coming really soon,” sey pa ng isa.
“Feeling ko may little ashmatt na, my ashmatf heart,” hirit pa ng isa.
Matagal nang usap-usapan kung buntis ba talaga ang singer ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa mag-asawa.
Kung totoo man ang chika ay for sure na cute na cute ang magiging baby ng dalawa at paniguradong mamahalin rin ito ng madlang pipol gaya ng pagmamahal nila kina Sarah at Matteo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.