Rabiya nadulas, napaluhod sa farewell walk bilang 2020 Miss Universe PH, pero... | Bandera

Rabiya nadulas, napaluhod sa farewell walk bilang 2020 Miss Universe PH, pero…

Ervin Santiago |September 30,2021
facebook
share this

Rabiya nadulas, napaluhod sa farewell walk bilang 2020 Miss Universe PH, pero…

Ervin Santiago - September 30, 2021 - 10:04 PM

AKSIDENTENG natumba at napaluhod si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa stage ng Miss Universe Philippines 2021 pageant na nagaganap ngayong gabi.

Nadulas ang dalaga sa kanyang tribute segment bago tuluyang ipasa ang korona at titulo sa itatanghal na Miss Universe Philippines 2021.

Binalikan ng dalaga ang kanyang naging journey mula nang mapanalunan niya ang korona ng Miss Universe Philippines 2020 pati na ang hindi niya makakalimutang karanasan sa pagrampa

bilang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.

Ngunit nagulat nga ang lahat ng manonood nang bigla na lamang madulas si Rabiya habang rumarampa papunta sa gilid ng stage at napaluhod.

Agad namang tumayo ang beauty queen at itinuloy ang paglalakad na parang walang nangyari. Ang sabi ng dalaga pagkatapos ng kanyang pagtumba  “Once you (fall), you have to stand up.”

Mabilis namang nag-react ang mga netizens na nakapanood ng nangyari kay Rabiya.

Sabi ng isang netizen, “QUEEN, LAST NIGHT MO NA BILANG MUPh 2020 BA’T NAMAN NATAPILOK?! HAHAHAHAHA. BUTI NALANG GANDA MO.

#MissUniversePhilippines2021#RABIYAFINALWALK #RabiyaMateo.”

“Sabi ko na eh una pa lang may kutob na akong may madadapa eh HAHAHA! pero okay lang mamern#RabiyaMateo#MissUniversePhilippines2021!” comment ng isa pang netizen.

“Yung last walk mo na natapilok ka pa. #MissUniversePhilippines2021#MUPH2021#RabiyaMateo,” sabi naman ng isa pang nakapanood.

“Miriam Quiambao moment of Rabiya Mateo. #missuniversephilippines2021.”

“Okay lang yan, tindig agad!#MissUniversePhilippines2021!”

“@rabiyamatteo PATAPOS NA LANG NA REIGN MO UMEKSENA KA PA DIN!! hahaha!”

“Oh no! Rabiya Mateo you’re still look gorgeous tonight. #RABIYAFINALWALK!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ang ilan pa sa mga comments ng mga netizens sa nangyari kay Rabiya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending