Boy Abunda hiyang-hiya sa GMA: Kung walang-wala na talaga, mag-a-apply na ako
Boy Abunda
SINAGOT na ni Boy Abunda ang tsikang lilipat siya ng GMA 7 base sa napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa Showbiz Update YouTube channel nitong Lunes.
Patanong naman ang pagkakasabi ni Mama Loi kay Ogie kung nabalitaan na nito na may negosasyong nangyayari sa pagitan nina Kuya Boy at Kapuso network.
Sa panayam ng ABS-CBN nitong Miyerkules ng gabi ay natanong ni Miguel Dumaual tungkol sa offer ng ibang network at kung aware ang King of Talk sa mga kumakalat na balita.
“Yeah, I’ve been offered by many early on during the pandemic hindi ko alam kung bakit pumuputok ngayon ‘yan. Nahihiya tuloy ako sa Channel 7, wala namang offer sa akin ang channel 7,” sagot ni kuya Boy.
Dagdag pa niya, “But I have been in discussion with various parties including people who are affiliated in 7.
“I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated in TV5. I’ve been negotiating with independent producers to do talk shows. Yes, but I’m still waiting for ABS (CBN) to have free TV,” paliwanag pa ng TV host.
Sabi pa ng talk show host, gusto niyang bumalik sa telebisyon at hinihintay niya lang ang pagbabalik ng ABS-CBN sa ere.
“I miss television, I miss television (sabay ngiti). I miss doing my talk show in television,” paulit-ulit na sabi ni Kuya Boy.
“Kung walang-wala na talaga, e, di mag-a-apply na ako. Ha-hahaha! Mag-a-apply na ako sa iba pero sa ngayon, hindi totoo ‘yun!” diin nito.
At kaya raw siguro lumutang na lilipat si Boy sa kabilang network ay dahil sa balitang nandoon na rin si Kim Atienza, ang weather anchor ng “TV Patrol.”
“Remember Miguel siguro rin, I think kuya Kim… is that official?” tanong nito sa ABS-CBN news reporter at kinumpirma na nasa Kapuso network na nga lalo’t naglabas na sila ng teaser para sa pagsalubong sa kanya.
“Maybe because Kim nga is moving and there is ‘daw’ a teaser that somebody moving to 7 it may have something to do with it parang ganu’n,” anito.
“So, as we talk now, ‘no’ is the answer,” sabi ulit ni Boy.
At ipinaalala ulit na nagsimula ang TV host sa channel 7 na umabot siya ng 10 o 11 years bago siya lumipat sa ABS-CBN para na rin sa kaalaman ng mga younger generation ngayon.
Bago magtapos ang panayam ni Miguel kay kuya Boy ay muli niyang nabanggit na hindi siya nagsasalita nang patapos pero sa ngayon ang sagot niya ay hindi siya lilipat ng network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.