Hipon Girl handang magpasampal kay Bea; Julia atat na atat na kay Gerald | Bandera

Hipon Girl handang magpasampal kay Bea; Julia atat na atat na kay Gerald

Therese Arceo |September 28,2021
facebook
share this

Hipon Girl handang magpasampal kay Bea; Julia atat na atat na kay Gerald

Therese Arceo - September 28, 2021 - 07:49 PM

MUKHANG nagsisimula na ang busy schedule ng bagong Kapuso star na si Bea Alonzo matapos ang kaniyang mahabang bakasyon sa US.

Nito nga lang ay nagkaroon ito ng guesting sa longest running gag show na “Bubble Gang”. Dito nga ay nagkita sila ni Hipon girl na si Herlene Budol.

Nag-post pa ito ng kanilang picture sa Instagram kung saan ang caption ay “Papasampal talaga ako pag si @beaalonzo”

Marami namang netizens ang naaliw sa caption ni Hipon Girl. Sey pa ng ibang netizens, kahit naman daw sila ay magpapasampal kung kay Bea Alonzo rin naman.

May ilang netizen rin ang humiling na sana ay magkaroon ng project together si Hipon Girl at si Bea. Dagdag pa nila, parang bagay magsama ang dalawa sa isang romcom series.

Malay naman natin ‘di ba? Aliw rin naman panoorin si Herlene kahit may pagka-squammy siya na talagang in contrast sa image ni Bea na ma-poise kaya may chance na maging maganda ang project nila together.

***

MISS na miss naman ng aktres na si Julia Barretto ang dyowa nitong si Gerald Anderson.

Matagal na kasing hindi nagkikita ang dalawa dahil kasalukuyang nasa Austria.

Aware naman ang publiko na simula nang umamin sila sa tunay nilang relasyon ay hindi na halos mapaghiwalay ang dalawa.

Kahit nga noong nag-lock in taping si Julia para sa kaniyang kasalukuyang teleserye sa TV5 ay dinayo pa siya ni Gerald para lang makita ng personal kahit sa labas lang.

Pero ngayon ay hindi malabong magawa ito ng dalawa dahil nasa ibang bansa ang taping ng aktor at mayroong travel restrictions gawa ng COVID-19.

Kamakailan lang rin ng samahan ni Gerald si Julia sa kaniyang induction ceremony nilang auxiliary officer ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Mukhang dinadaan na lang ng dalawa sa video calls ang pagkamiss sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-post ang aktres ng screenshot ng kanilang video call sa IG story niya na may nakalagay na “I miss you”.

Wala pang eksaktong petsa kung kailan uuwi ang aktor ngunit sa pagbabalik nito ay muling kikiligin ang kanilang suporters dahil siguradong marami na naman silang aabangan sweet moments ng dalaga together.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending