Xian Gaza kay Pacman: Ako po ay sobrang nainsulto at nabastusan | Bandera

Xian Gaza kay Pacman: Ako po ay sobrang nainsulto at nabastusan

Reggee Bonoan - September 25, 2021 - 11:53 AM

MATAPOS ang naging issue ng pang-i-scam ni Xian Gaza ay tila  naging social media personality ito na sa ngayon ay mayroon ng 414,090 followers. Dahil nga sa malaking following ay may mga lumalapit sa kanya upang magpa-promote o magpa-endorse.

Nitong Biyernes ng umaga ay nag-post siya ng, “May lumapit sa akin…partido ng isang Presidentiable candidate. One post per week, 100k per post.

“My exact reply, ‘First of all, ang personal choice ko ay si Leni (Robredo). Pangalawa, yung 100k ay kinikita ko ng half-day ngayon. Do I look poor? So barya. Nakakainsulto!”

Pagkalipas ng apat na oras ay inilabas ni Xian ang kanyang personal balance sheet as of September 2021 na umaabot sa P569,500,000 o mahigit kalahating bilyon ang total assets niya at ang liabilities niya ay nasa P26,500.00 lang.

Kaya pala inilabas ng binata ang kanyang personal balance sheet ay para ipakita sa campaign manager ng kakandidatong presidente na si Senator Manny Pacquiao ang kaniyang open letter para sa Pambansang Kamao dahil naniniwala siyang hindi totoo ang P100k na offer sa kanya.

OPEN LETTER TO SEN. MANNY PACQUIAO’S CAMPAIGN MANAGERS:

“Yung isa niyo pong campaign recruiter for influencers ay nag-offer po ng 100K per post. Naniniwala po ako na hindi lang 100K ang budget na ibinigay niyo sa kanya at paniguradong sobrang laki ng cut niya.

“Ako po ay sobrang nainsulto at nabastusan dahil hindi naman po ako isang Youtuber o influencer na may milyones na followers. Ako po ay isang negosyante na daang milyones ang personal net worth.

“Yung mga Xian Coin ko po ay magiging Philippine peso sa mga susunod na buwan ng dahil sa Surreal Estate NFT game. Higit 200 million pesos conservatively speaking, tapos ang io-offer po ng recruiter niyo sa ‘kin ay 100,000 pesos? Eh luko-luko pala siya ano po?”

Ayon pa, “may tatlong dahilan kung bakit ko po ito pinost.

1 Para aware po kayo kung gaano kalaki kumickback ‘yung mga campaign recruiters ninyo.

2 Para aware ‘yung mga influencers kung gaano kalaki ang totoong bigayan ngayong eleksyon upang hindi sila maloko ng mga campaign agents.

3 Para isampal sa mukha ng recruiter niyo at iyabang sa lahat ng mga followers ko kung gaano ako kayaman ngayon.

“Magandang gabi po and May God bless Sen. Manny.”

At saka ni-repost ni Xian ang larawan ni Pacquiao na nakaupo sa loob ng ring na tila katatapos lang mag-ensayo.

Ang caption ni Xian, “Shuta ito pala ang may sala kaya ako ni=recruit! Ganitong pot lang daw ang inaasahan sana nila from me kapalit ng 100K. Pasensya na raw kung na-offend ako. Sabi ko okay na ‘yun, let’s all move on. Next time kako , eh, gawin nilang 500K ang offer.”

Baka kaya inalok si Xian ng kampo ni Sen. Manny ay sa dahilang ipinagtanggol niya ito noon dahil Hunyo palang ay balitang kakandidato na siya bilang pinuno ng bansang Pilipinas.

May FB post si Xian noong Hunyo 18.

“Kapag may tinatalakay kayo na issue, stick lang kayo sa issue. Kung ayaw mo sa mga echusan niya for 2022 Presidential Elections, ‘yun lang ang banatan mo. Hindi yung titirahin niyo pa personally ‘yung isang tao at pilit ibabato ang kanyang nakaraan upang maliitin ang kanyang kakayahan.

“Hindi porke world boxing champion si Manny Pacquiao noon eh, hanggang doon na lamang siya habambuhay. Lahat tayo ay pwedeng mag-grow into better versions of ourselves. Your past won’t define who you are today and in the future. The same way na convicted scammer ako noon tapos legit businessman na ko ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung mga tao na panay ungkat ng ating nakaraan ay ‘yung mga tao na sobrang frustrated sa buhay dahil after how many years ay ganoon pa rin sila at walang pagbabago. They don’t wanna believe that people change for the better dahil hindi nila ito nakikita sa kanilang mga sarili.

“Kaya next time na may marinig ka na “mag-boxing ka na lang!” or “once a scammer, always a scammer!”, ito ‘yung mga tao na sobrang hopeless na sa kanilang buhay kaya ‘yung frustration nila ay ibinabato nila sa amin na pataas nang pataas ang lipad sa life habang sila ay nananatiling mga hampaslupa sa ibaba.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending