Sikat na aktres na kumikita ng milyones naghihirap na dahil sa sulsol ng mga friends | Bandera

Sikat na aktres na kumikita ng milyones naghihirap na dahil sa sulsol ng mga friends

Reggee Bonoan |September 23,2021
facebook
share this

Sikat na aktres na kumikita ng milyones naghihirap na dahil sa sulsol ng mga friends

Reggee Bonoan - September 23, 2021 - 06:57 PM

NAGULAT kami sa kuwento tungkol sa kilalang aktres na nasaid ang kaban ng ipon mula sa sunud-sunod na pelikulang pinagbidahan, bukod pa sa ilang teleseryeng nagawa niya.

Kaliwa’t kanan din ang mga product endorsements niya na milyones ang bayad dahil isa siya sa highest paid star ng kanyang henerasyon bukod pa sa money maker din siya ng kanyang management outfit.

Kuwento ng aming source, mishandled ang mga kinita ng kilalang aktres dahil nakinig siya sa mga sulsol ng mga kaibigan na kailangan bumili siya ng sariling condo unit na bagay sa imahe niya.

May nakilala siyang ahente ng condo unit na sobrang mahal dahil rich and famous lang ang nakaka-afford nito.

Since kabilang na nga si kilalang aktres sa rich and famous sa showbiz kaya napapayag siyang kunin ang unit na hinuhulugan pa niya until now.  

Pero sa totoo lang, ang ganda-ganda naman talaga ng pad niya at super laki at nasa tuktok ng building kaya ang ganda-ganda ng view sa buong paligid dahil napapalibutan ito ng salamin.

Bukod sa condo unit ay may pag-aari rin siyang mamahaling sasakyan na ginagamit niya sa mga lakad niya kasama ang ilang kaibigan para dumalo sa mga party noong wala pang COVID-19 pandemic.

Pero nang namirmihan na ang nakamamatay na virus sa ating bansa ay natakot ang kilalang aktres na maglalabas lalo’t ilang malalapit nitong kaibigan ay dinapuan nito, hindi lang malinaw sa amin kung nakaligtas sila o hindi.

Anyway, walang trabaho noong 2020 at kailangang magtipid ang kilalang aktres dahil bukod sa bills na binabayaran ay ang malaking hulog sa unit at sasakyan ang isa sa iniraraos niya bukod pa sa tulong na ibinibigay niya sa pamilya.

Nagkaroon pa ng mabigat na problema si kilalang aktres na ayaw nang ipabanggit ng aming source dahil nagkaroon ng anxiety attack ang kaibigan niya na hanggang ngayon ay inaalalayan nila.

Tinanong namin ang tungkol sa lovelife ng kilalang aktres, “’Buti na lang happy siya, inaalalayan naman siya now.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At least may karamay ngayon ang kilalang aktres at sana makabalik na siya sa work soon para makabawi at muling makaipon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending