Rabiya nang matalo sa Miss Universe 2020: Sabi ko, maba-bash talaga ako nito, tapos nanginginig ako | Bandera

Rabiya nang matalo sa Miss Universe 2020: Sabi ko, maba-bash talaga ako nito, tapos nanginginig ako

Ervin Santiago |September 23,2021
facebook
share this

Rabiya nang matalo sa Miss Universe 2020: Sabi ko, maba-bash talaga ako nito, tapos nanginginig ako

Ervin Santiago - September 23, 2021 - 09:02 AM

Rabiya Mateo

ANO nga ba ang pipiliin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo — korona, lovelife o tahimik at masayang buhay?

Sa pag-upo ng beauty queen sa hot seat segment na “May Pa-Presscon” ng “The Boobay and Tekla Show” sa GMA 7, natanong siya kung ano ang gusto niyang baguhin kung may kapangyarihan siyang baguhin ang past.
Pinapili siya ni Boobay kung gusto pa rin niyang manalo ng Miss Universe crown, peaceful and happy life o bonggang lovelife.

“Siguro doon ako sa Miss Universe crown kasi hindi lang ‘yun yung pangarap ko. Pangarap din ‘yun ng maraming Filipino, nang sangkabaklaan na sumuporta sa akin.

“Alam n’yo po ba after the competition, I need to recover kasi hindi rin madali na matalo. May mga moments na nire-relive ko sa utak ko yung mga nangyari.

“Iniisip ko, ‘What if ganito yung ginawa ko? What if ganyan? Siguro mas higher yung placements. Siguro naiuwi natin yung crown.’

“Pero unti-unti you have to accept na minsan kahit anong gusto mo, hindi ibibigay sayo but it doesn’t mean na tapos na ‘yung buhay mo doon,” pagpapakatotoo ni Rabiya.

Binalikan din ng dalaga ang moment noong hindi na siya  matawag sa Top 10 ng Miss Universe 2020 pageant.

“After nu’ng hindi ka matawag, dumiretso kami agad sa likod and isa lang kasi yung area namin na pagpapalitan nu’ng mga nakapasok sa Top 10. 

“Tapos doon parang iniisip ko ‘Oh my god hindi ako nakapasok, ano yung sasabihin sa akin ng mga tao?’ grabe yung expectations.

“Tumatakbo talaga sa isip ko ‘Maba-bash talaga ako nito’ tapos parang nanginginig ako pero kailangan kong isuot yung gown ko kasi lalabas kami ulit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos kinuha ako ng organizer and she told me na ‘You know what, not every year it’s for the Philippines but you did great. You were able to represent your country well, you need to be proud of yourself,’ sabi pa niya sa akin,” sey pa ni Rabiya na naghahanda na ngayon sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending