Seguridad sa Pilipinas pinaigting sa gitna ng banta ng terror attack
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na todo pagbabantay ang ginagawa ngayon ng pamahalaan sa posibleng pag-atake ng teroristang grupo sa bansa.
Pahayag ito ng Palasyo matapos magpalabas ng abiso ang pamahalaan ng Japan na mayroong namomonitor ang kanilang hanay sa banta ng seguridad sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Pilipinas sa Japan dahil sa pagbibigay ng impormasyon.
Pinaigting na aniya ng pamahalaan ang pahandaan para sa posibleng terror attack.
Base sa abiso ng Japan, pinag-iingat nila ang kanilang mga kababayan matapos mamonitor na mayroong posibleng terror attack sa anim na bansa sa Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.