6.5 milyon deactivated voters naitala sa bansa
Aabot sa 6.5 milyon ang deactivated voters sa bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon na ang mga deactivated voters ay ang mga botante na hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.
Sa ngayon, aabot sa 61 milyon ang registered voters sa bansa.
Ayon kay Guanzon, maaaring makapag-reactivate ang mga deactivated voters sa pamamagitan ng pagpapadala sa email sa website ng Comelec na comelec.gov.ph.
Sa September 30 aniya nakatakda ang deadline ng voters registration sa bansa.
Sa ngayon, hindi pa napag-uusapan sa Comelec ang extension ng registration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.