Rayver 3 buwang 'nawala' matapos tamaan ng COVID-19, isinugod ang sarili sa ospital | Bandera

Rayver 3 buwang ‘nawala’ matapos tamaan ng COVID-19, isinugod ang sarili sa ospital

Ervin Santiago - September 15, 2021 - 09:05 AM

Rayver Cruz

TATLONG buwan ding nagpahinga at nagpagaling ang Kapuso actor-TV host na si Rayver Cruz matapos makipaglaban sa COVID-19.

Ito ang totoong dahilan kung bakit matagal na siyang hindi napapanood sa Sunday variety show ng GMA na “All-Out Sundays” at hindi totoo ang chika na nagbakasyon siya sa iba’t ibang lugar.

Kuwento ng boyfriend ni Janine Gutierrez, iilan lamang ang nakakaalam na tinamaan siya ng COVID-19 at halos three months din siyang nanatili lamang sa bahay para magpagaling.

“Nagkasakit kasi ako, alam mo naman ‘yung virus natin na kung tawagin ay si COVID. Yes, yes, (nahawa rin ako ng COVID). Wala lang kasi masyadong nakakaalam pero I had it,” pahayag ni Rayver sa panayam ng GMA.

Pagpapatuloy pa ng binata, “Noong time na ‘yun, nakakalungkot, na-down din ako. At first kasi akala ko na parang napagod lang ako. 

“Napagod lang ako sa mga ginagawa ko siguro sa pagwo-workout, sa trabaho. Akala ko nagkasunod-sunod lang ang trabaho kaya feeling ko napagod ako,” dugtong pa ng aktor.

Anu-anong symptoms ang naramdaman niya? “‘Yung likod ko ‘yung unang sumakit, e, ‘yung lower back ko hanggang pataas. Sunod-sunod na ‘yun naramdaman ko na ‘yung symptoms.”

Ayon pa sa binata, siya mismo ang nagsugod sa sarili niya sa ospital matapos mag-manifest ang symptoms. Inamin niya na talagang matinding takot ang naramdaman niya habang patungo sa ospital.

“‘Yung ine-explain sa akin ng doctor, medyo natakot din ako. Mahirap nga naman kasi ako lang mag-isa. Tricky kasi ang COVID, e. 

“Kapag biglang nag-drop ‘yung oxygen mo or kung ano man mangyari, walang magsusugod sa akin kaagad-agad, e. Ako ang nagdala sa akin sa ospital,” aniya pa.

Maayos na raw ang kundisyon niya ngayon at fully-recovered na rin. Kasunod nito, nanawagan siya sa publiko na magpabakuna na para may panglaban na ang lahat sa killer virus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Important din na sana lahat tayo makapagpagbakuna na. It’s important din kahit papaano na may proteksyon ka,” pahayag pa ng lead star sa afternoon series na “Nagbabagang Luha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending