Andrew E, 2 beses sumailalim sa robotic surgery: Thank God, nalampasan ko! Bandera

Andrew E, 2 beses sumailalim sa robotic surgery: Thank God, nalampasan ko!

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Andrew E, 2 beses sumailalim sa robotic surgery: Thank God, nalampasan ko!

Ervin Santiago September 14, 2021 - 01:51 PM

AJ Raval, Andrew E at Sunshine Guimary

INAKALA ng OPM at rap icon na si  Andrew E. na hindi na siya makakabalik sa paggawa ng pelikula dahil sa kanyang health condition.

Naikuwento ng singer-songwriter at comedian ang tungkol dito sa ginanap na virtual mediacon ng bago niyang movie under Viva Films, ang “Shoot Shoot! Di Ko Siya Titigilan.”

Kasama ni Andrew rito bilang mga leading lady ang mga palabang sexy stars na sina Sunshine Guimary at AJ Raval.

Sabi ng actor-rapper, hindi niya naisip na darating ang araw na muli siyang magbibida sa pelikula dahil sa robotic surgery na isinagawa sa kanyang balikat at bandang singit noong February, 2020.

“May cholesterol blockage ako sa right shoulder blade. I underwent two robotic operations.

“Kailangan dalawa kasi mahaba ang blockage. I had to deal with it for two hours and thank God, nalampasan ko,” lahad ni Andrew na umaming talagang nabawasan ang energy niya matapos maoperahan.

“Lately, kino-concern ko yung sarili ko to be of same energy again. To bring back my energy again. Kasi, simula noong maospital ako, kung ang tao ay 100 hundred percent ang energy, I was around 40 percent.

“And then came my movie, Pakboys, I was a little bit gaining like 50 or 60 percent energy. With Shoot! Shoot!, I was, like, maybe 80 to 90 percent energy. Nagre-recuperate ako. Kahit paano, hindi ako napapahiya sa aking mga kasamahan sa pelikula.

“Baka isipin nila, I’m carrying the situation just because I want to be pabida,” aniya pa.

Samantala, ang original song ni Andrew E. na naging hit TikTok trend na nga ngayon ang ginamit na title sa bagong Vivamax original movie na “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan”.

Ito ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay at ng ultimate pakboy na si Andrew E., kasama nga ang mga sexy at kalog na Vivamax Goddesses na sina AJ Raval at Sunshine Guimary with Juliana Parizcova Segovia and Wilbert Ross.

Ito ay tungkol kay Jack (Andrew), isang lalaking nakatira sa maliit na bayan, na ang tanging pangarap ay ang maging isang aktor.

Pagkatapos sumabak sa napakaraming auditions, sa wakas ay napili si Jack sa isang role bilang tagapagmana ng kanyang mayamang kamag-anak.

Habang binabasa ang kanyang mga linya, narinig siya ng kanyang kapitbahay tungkol sa pagmamana ng 100 bilyong dolyar, at nagsimulang magbago ang pakikitungo sa kanya ng mga tao nang biglang kumalat sa buong bayan na isa na siyang bilyonaryo.

Biglang ang mga babae ay gustong makuha ang kanyang atensyon, at hindi ring magandang atensyon ang nakuha niya sa ibang mga taga-bayan.

In fairness, trailer pa lang ng movie ay riot na ang mga eksena kaya naman bata o matanda, siguradong laugh trip ito, kaya wag palalampasin ang premiere ng “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan” sa Oct. 1, sa Vivamax Plus. Habang sa Oct. 8 naman ang regular streaming nito sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe. 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending