Love Añover tagumpay sa paglaban kontra-COVID; Julie Anne emosyonal na nagpasalamat sa fans | Bandera

Love Añover tagumpay sa paglaban kontra-COVID; Julie Anne emosyonal na nagpasalamat sa fans

Ervin Santiago - September 13, 2021 - 09:15 AM

Julie Anne San Jose at Love Añover

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Kapuso TV host na si Love Añover-Lianko sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling natapos tamaan ng nakamamatay na virus.

Ibinalita ni Love sa publiko sa pamamagitan ng social media na isa na rin siya sa milyun-milyong Filipino na masasabing COVID-19 survivor.

Ibinahagi ng “Unang Hirit” host sa Instagram ang litrato ng kanyang medical certificate na inisyu nitong nagdaang Sept. 11, na nagpapatunay na natapos na niya ang 14-day isolation at naka-recover na mula sa COVID-19.

Aniya sa caption, “To God be all the glory. You are the greatest, Lord. Our warmest gratitude to Dr. Percival P. Pangilinan M. D. for helping us and guiding us through the 14-day quarantine and knocking down COVID, eventually. We owe you, Doc.”

Dagdag pa niyang mensahe, “Also, to everyone who have prayed, offered masses, sent food, fruits, messages, texts, called, and everythaaang! I am positive– your prayers, love and care have made us stronger to fight this battle.

“I hope you are all doing good and may God bless us and protect us all,” pahayag pa ni Love.
Sa huling bahagi ng IG post ng dating stand-up comedienne, nagbigay din siya ng paalala sa lahat ng mga Pinoy na patuloy na nakikipaglaban sa killer virus.

“And if you are going through the same phase we have been through, may God give you all the strength you need– physically, emotionally, and mentally, and may God heal you. #GRATEFUL #weSURVIVEDcovid,” pahayag ni Love.

* * *

Bago mapanood ang first leg ng online show ni Julie Anne San Jose na “Limitless, A Musical Trilogy” ngayong Sept. 17, naki-bonding muna ang Asia’s Limitless Star sa kanyang fans mula Luzon, Visayas, at Mindanao kamakailan sa pamamagitan ng “Kapuso Fans Day on TV” handog ng GMA Regional TV.

Super thankful ang Kapuso singer sa mainit at patuloy na pagsuporta ng kanyang fans mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Salamat kasi hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo para po sa akin and you still choose to support me. And I’m so, so grateful sa lahat ng mga effort at oras ninyo na ibinigay sa akin,” say ni Julie Anne.

Excited na nga si Julie na maibahagi sa publiko ang pinaghirapan nilang “Limitless, A Musical Trilogy” na sa September na ang unang leg at kinunan sa Mindanao. 

Sa mga trailer at photos pa lang kasi nakaka-curious na kung ano ang mga gagawin ni Julie. Nauuso man ang mga online concert pero bago ang konseptong ito na produced ng GMA Synergy dahil lilibutin ni Julie ang buong Pilipinas para ipakita ang kanyang musical journey sa kanyang fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman sa mga wala pang ticket, bili na sa www.gmanetwork.com/synergy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending