True ba, Yen Santos may non-showbiz boyfriend daw? | Bandera

True ba, Yen Santos may non-showbiz boyfriend daw?

Reggee Bonoan |September 08,2021
facebook
share this

True ba, Yen Santos may non-showbiz boyfriend daw?

Reggee Bonoan - September 08, 2021 - 03:09 PM

CURIOUS kami kung bakit sa Nobyembre gustong magbuntis ni Yen Santos base sa kuwento ni Nay Cristy Fermin sa programa nito sa Radyo Singko 92.3 News FM kasama si Rommel Chika.

Ipinagdiinan kasi ng radio host at batikang manunulat na may boyfriend si Yen at nakilala na nila ito kaya nu’ng pumutok ang balitang siya ang third party sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes ay hindi siya naniniwala.

Bakit Nobyembre ang napiling buwan ni Yen para magdalang-tao? “Hindi ko rin alam, pero iyon ang napiling buwan,” sagot ni Nay Cristy sa tanong ni Rommel Chika.

Ayon naman sa isa pang tinanungan namin kung sino ang boyfriend ni Yen, “Hindi binanggit ng source, Regs, pero non-showbiz at wala ring sinabi kung pakakasal muna bago magbuntis o buntis muna bago kasal.” 

May nagtsika naman sa amin na kahit non-showbiz ang boyfriend ni Yen ay may konek pa rin ito sa showbiz at may mga nakakakilala sa kanya.

Hmmm, hayan netizens, may bago kayong iimbestigahan kung sino ang lalaking tunay na karelasyon ng aktres kung totoo nga ang mga chika.

Anyway, tsinek namin ang social media accounts ni Yen at wala pa rin siyang mga bagong post maliban sa promo ng pelikulang “A Faraway Land” na isa sa most viewed ngayon sa Netflix na nasa number 6 slot nang i-check namin.

* * *

Ayaw talagang paawat ni Direk Darryl Yap dahil may bago na naman siyang pelikulang ipalalabas sa Okt. 1 sa Vivamax na may titulong “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.”

Bibuda rito sina Marco Gallo, Aubrey Caraan at ang Beks Batallion na binubuo nina Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian.

Kuwento ito tungkol sa isang college student na si Giuseppe (Marco) na pumunta sa isang liblib na baryo para sa kanyang thesis tungkol sa mga aswang. Dito niya makikilala si Giniper (Aubrey) na tutulong sa kanya para matapos ang ginagawang thesis.

Hindi lang tungkol sa mga aswang ang madidiskubre ni Giuseppe sa baryo, dahil sa tulong ni Giniper, maraming kamangha-manghang bagay ang kanyang madidiskubre.

Sa Siquijor nag-shoot ang cast ng “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” na sa gitna ng pandemya at mga lockdown sa maraming lugar ay binuksan ang kanilang pinto sa production ng pelikula kaya nakuha ng movie ang kakaiba at nakakabighaning ganda ng buong isla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang pelikula ni direk Darryl sa Okt. 1 streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending