Aga, Lea nagkaisyu nga ba nang dahil sa pagpanaw ni Raymund Isaac? Bandera

Aga, Lea nagkaisyu nga ba nang dahil sa pagpanaw ni Raymund Isaac?

Reggee Bonoan |September 07,2021
share this

Aga, Lea nagkaisyu nga ba nang dahil sa pagpanaw ni Raymund Isaac?

Reggee Bonoan September 07, 2021 - 07:33 PM

Lea Salonga at Aga Muhlach

NAGKAUSAP na kaya sina Aga Muhlach at Lea Salonga in private?

Kaya namin ito naitanong ay dahil may naganap daw na “sagutan” ang dalawa sa social media noong sumakabilang-buhay ang celebrity photographer na si Raymund Isaac sa Amerika dahil sa COVID-19.

Hindi kasi nagustuhan ni Lea ang mga nag-post tungkol sa pagkamatay ni Raymund na para sa kanya ay inunahan pa ang pamilya nito.

Narito ang Facebook post ng award-winning actress at singer noong Set. 4, 8:15 p.m., “Going to stay off social media for the rest of the night. Seeing news that’s making me angry. It’s also making me question my friendships.”

Muli siyang nag-post sa ganap na 8:31 p.m. ng, “This is my official stance when news on someone’s passing starts going around (it’s happened enough times even pre-COVID, so let this be a reminder for the future).

“Until we get actual confirmation, we say nothing. And until the family makes the announcement, we don’t preempt. And whoever does preempt is an asshole. So don’t be an assh*le.”

Sa tsikahan nina Ogie Diaz at Tita Jegs sa YouTube channel ng una ay tila napikon umano si Aga sa post ng kaibigan niyang si Lea na may kinalaman sa mga taong nauuna pang mag-post sa pagkamatay ng kaibigan nilang photographer sa socmed.

Pero ayon kay Ogie ay marami siyang nabasa mula sa mga kaibigang celebrity ni Raymund ng mensahe ng pakikiramay.

“Ang daming celebrities na nakakakilala kay Raymund na talaga namang bumuhos ang lungkot ang pagdadalamhati nila sa pakikiramay sa pagyao ni Raymund Isaac.

“Lahat ng celebrities na kanyang nahawakan, na-shoot, nakasama sa trabaho Aga Muhlach, Lea Salonga, (basta) marami. Dito mo malalaman kung gaano kabait ang isang tao pag maraming nakiramay, maraming nalungkot, maraming lumuha sa kanyang pagyao.

“Ang aktor na si Aga Muhlach nag-post siya ng kanyang pakikiramay kay Raymund Isaac na ‘yun nga pumanaw si Raymund, sobrang lungkot ni Aga. Hindi ko lang kay Aga ‘yan nabasa kahit sa ibang celebrities nabasa ko rin ito ang kanilang pagko-condole sa mga naulila ni Raymund Isaac.

“Kaya lang nga, ito na si Lea Salonga nag-comment, nag-post sa kanyang FB na parang feeling ko dito nag-react si Aga Muhlach. 

“Kaya lang nga nu’ng tsinek ko ‘yung kay Aga Muhlach nawala na ‘yung post niya. Binura na ni Aga na ‘yung unang message niya ay siya ay nakikiramay lalo na kay Jayson (Vicente), sa partner ni Raymund.

“Tapos ‘yung pangalawa natatandaan ko pa parang naghahamon. Parang nabubuwisit si Aga Muhlach doon sa nagsabi ng assh*le!  Sabi kasi ni Aga (sa post), huwag siyang hintaying magalit kaya rin daw niyang magsalita.

“Hindi ko alam kung si Lea Salonga ‘yung pinatatamaan ni Aga Muhlach at hindi rin natin alam kung si Aga ang pinatatamaan ni Lea.

“So hindi natin alam kung hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sina Lea at Aga, sana naman di ba?” mahabang kuwento ni Ogie.

Humirit naman si Tita Jegs na humalili pansamantala kay Mama Loi na maysakit sa kasalukuyan, “Pero kilala kita ‘te (Ogie) kukuha ka ng source mo!”

Hindi naman ito itinanggi ni Ogie dahil naghanap siya ng taong puwede niyang mapagtanungan tungkol sa hinaing ni Aga, “Mayroon akong nakausap na isang source na yes, napikon daw si Aga Muhlach doon sa sinabi ni Lea. 

“Si Lea rin parang ang pinagbatayan niya ng kanyang post sa Facebook ay ‘yung pakikiramay ni Aga na sa totoo lang, ako ha, hindi lang kay Aga (nabasa). Siguro pang-ilan si Aga na nakita kong nag-post.  Parang later on ko na nakita ‘yung kay Aga.

“Ang isyu ni Lea dito kasi bakit hindi raw hayaan ‘yung pamilya ang unang mag-announce sa pagkamatay o kalagayan ng kanilang kaanak.  Bakit daw iba (tao) ang nagsasabi. Bakit hindi daw hintayin ang mga kamag-anak kaya ang turing dito ni Lea ay assh*le.

“Ang sabi sa akin ng aking source, ‘bakit daw nagsasalita ng ganu’n si Lea, alam daw ba niya kung sino talaga ang pamilya ni Raymund Isaac?’

“Ang sabi ng source ko, (sabay basa ng text message), ‘sana alam ni Lea Salonga na ang pamilya ni Raymund Isaac ay ang mga kaibigan nito sa showbiz.’ Kaya wala siyang karapatang magsabi ng assh*le.

“Feeling kasi nila tsismis lang ang alam ni Aga, e, si Aga nga hindi masyadong ma-post at minsan lang mag-post si Aga confirmed ‘yun. 

“Masakit sa ating lahat ang pagkawala ni Raymund, doon lang nanggagaling ang showbiz friend’s na na-offend ni Lea. But to call people who posted assh*le, grabe, unbelievable!

“Puwede namang magsabi ng maayos si Lea, puwede namang makinig sa kanya ‘yung celebrity friends niya, sana hindi niya dinadaan sa post. Hindi ba siya busy?

“Sorry nailabas ko lang, hindi lang siya ang nagmamahal kay Raymund lahat ng industriya (showbiz) nagmamahal kay Raymund, so wala siyang karapatang magsabi ng assh*le.

“Magsabi siya ng opinyon niya nang maayos. Hindi mabubuhay ng opinyon niya si Raymund! Ang perfect naman ni Lea mag-comment?  Ano bang naitulong niya kay Raymund kumpara sa naitulong ni Aga?”

Base naman sa opinyon ng kilalang talent manager at content provider, may point din naman si Lea na hintayin ang kamag-anak ni Raymund na mag-announce. Baka raw kasi hindi pa sila ready emotionally kaya hindi pa nila masabi ang katotohanan kasi hindi pa nagsi-sink in sa kanila. Yun nga lang masakit sa tenga ang salitang asshole n asana nagsabi ng maayos si Lea.

Anyway, sana nga ay nakapag-usap na ang dalawa at nagkaliwanagan na dahil sayang ang friendship nila na bumibilang na ng dekada, kung mapupunta lang sa wala. Bukas ang BANDERA sa magigigng paliwanag nina Lea at Aga.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending