Roxanne may mga 'bawal' nang gawin sa showbiz mula nang mag-asawa: Para na rin sa mag-aama ko | Bandera

Roxanne may mga ‘bawal’ nang gawin sa showbiz mula nang mag-asawa: Para na rin sa mag-aama ko

Ervin Santiago |September 07,2021
facebook
share this

Roxanne may mga ‘bawal’ nang gawin sa showbiz mula nang mag-asawa: Para na rin sa mag-aama ko

Ervin Santiago - September 07, 2021 - 11:12 AM

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo

IN FAIRNESS, bentang-benta pa rin sa mga manonood ang tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo kahit na ilang taon na ang nakalilipas mula noong maging magka-loveteam sila sa mga proyekto ng ABS-CBN.

Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang management na bigyan ng season 2 ang romantic-comedy series nilang “Hoy, Love You!” na mapapanood na simula Sept. 11 sa iWantTFC.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Hoy, Love You!”, ibabandera na ang continuation ng love story nin Jules (Joross) at Marge (Roxanne) pagkatapos nilang magpakasal.

Sa tunay na buhay, pareho nang may sariling pamilya ang magka-loveteam — 10 years nang kasal si Roxanne kay Elton Yap, with three kids habang pitong nang married si Joross kay Katz Saga. Meron na silang dalawang anak.

Sa ginanap na virtual mediacon kahapon para sa season 2 ng programa, natanong sina Jorosa at Roxanne kung nagkaroon ba ng issue sa muli nilang pagtatambal.

“Both sides naman ay sobrang supportive. Kasi kung hindi naman supportive, hindi rin naman ito matutuloy, hindi mabubuo ulit ’yung loveteam. Happy sila. Proud sila,” tugon ng aktres.

Aniya pa, “Sa age naman namin ni Joross, matatanda na, alam na namin ‘yung limitations, mga rules namin na dapat i-apply sa mga sarili namin, kasi siyempre, may pami-pamilya na kami.” 

Dagdag pang paliwanag ni Roxanne, “Tingin namin, mature enough na kami para alamin ‘yung mga bagay-bagay. Sa mga eksena, si Joross very gentleman ’yan. ‘Ano ba ‘yung restrictions mo?’ 

“Kasi siyempre ’yung husband ko, conservative, overprotective. So mula noong nag-asawa ako, nag-set ako ng boundaries na ito lang ‘yung mga puwede kong gawin, para na rin sa mag-aama ko.

“Prior to that, alam na ni Joross ’yon. Still, ibinibigay niya sa akin ’yung respeto na, ‘Rox, OK lang ba gawin natin ’to?’ Tingin ko, walang naging problema doon,” lahad pa ng celebrity mom.

Para naman kay Joross, naniniwala siya na isa sa mga sikreto ng maayos at masayang pagsasama nila ng asawa ay ang trust at pagiging open sa isa’t isa kahit ano pa ang mangyari.

“If guided ka naman na ni Lord, wala ka nang dapat ikatakot. Kami naman (ni Roxanne), nandoon talaga ’yung trust and respect for each other,” pahayag ng aktor.

Paliwanag naman ni Roxanne, “Iba kasi ’yung mga asawa namin ni Joross, mga non-showbiz sila. So there are certain things na, siguro, possible talaga na medyo hindi nila maiintindihan. 

“Ang key lang to that is, i-explain mo lang sa kanila nang maayos and ipaunawa mo sa kanila. May mga bagay na hindi rin talaga nila maiintindihan, ’yung mga ginagawa ng mga artista. Importante lang ang communication,” sey ng aktres.

Sumang-ayon naman dito si Joross, “Passion ko ito, ang pag-aartista, at kasama sa job na ’to ang may makaka-interact ako na makakapareha ko. At the end of the day, siya (my wife) ang pinakasalan ko, siya ang mahal ko.” 

Samantala, dodoblehin nga nina Joross at Roxanne ang kulitan at kilig sa kanilang pagsasama habang hinaharap ang mga bagong pagsubok ng kanilang pamilya sa iWantTFC original series na “Hoy, Love You Two,” na mapapanood na ngayong Set. 11.

Excited ang bagong kasal na sina Jules at Marge na bumuo sa wakas ng isang masayang pamilya sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan sa kani-kanilang mga anak at biyenan.

Magsusumikap si Jules na maipatayo ang dream house ni Marge sa kagustuhan niyang mabigyan ng maayos at komportableng buhay ang asawa at mga anak. 

Abala man sa negosyo nila, gagawin naman ni Marge ang lahat upang ipakita ang suporta niya sa mister kahit naisasantabi ang sarili niyang pangangailangan at ang paglalambing niyang magkaroon sila ng baby.

Dadaan sa matinding pagsubok ang mag-asawa dahil sa magiging kliyente nilang si Mica (Ritz Azul), isang sexy at magandang kaibigan ni Jules. Pagseselosan ni Marge ang lumalalim na samahan ng dalawa at walang kamalay-malay na motibo talaga ni Mica na agawin ang kanyang asawa.

Hindi lang si Mica ang poproblemahin nina Jules at Marge dahil hindi rin nila makakasundo ang kanilang mga anak. Dagdag pa rito ang pangungulit at pangmamaliit ng nanay ni Marge na si Elizabeth (Carmi Martin) at ang ex-boyfriend niyang si Richard (Dominic Ochoa) na parehong tutol na kay Jules para kay Marge sa simula pa lang ng kanilang relasyon.

Masusubukan din ang namumuong pagmamahalan nina Kara at Charles (Karina Bautista at Aljon Mendoza) dahil magiging hadlang sa relasyon ng dalawa ang istriktong Lolo Bruno (Lou Veloso) ng dalaga.

Malagpasan kaya nina Jules at Marge ang mga pagsubok para makabuo ng isang masayang pamilya?

Maghahatid din ng saya at kilig sa “Hoy, Love You Two” sina Brenna Garcia, TJ Valderrama, Pepe Herrera, Yamyam Gucong, Hasna Cabral at Keanna Reeves sa direksyon ni Theodore Boborol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang pagsisimula ng love story ng byudong si Jules at single mom na si Marge sa unang season ng “Hoy, Love You” tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending