Aktres pinababayaran sa kaibigang reporter ang ibinigay na pabaon sa ibang bansa: Wala na akong pera! | Bandera

Aktres pinababayaran sa kaibigang reporter ang ibinigay na pabaon sa ibang bansa: Wala na akong pera!

Reggee Bonoan |September 02,2021
facebook
share this

Aktres pinababayaran sa kaibigang reporter ang ibinigay na pabaon sa ibang bansa: Wala na akong pera!

Reggee Bonoan - September 02, 2021 - 05:25 PM

“BAKA naman lasing nu’ng nagbigay,” ang paniwala ng kilalang editor ng diyaryo tungkol sa isang aktres na nagbigay pabaon sa kasama namin sa panulat noong nangibang-bansa ito.

Ang kuwento, naglambing ang kasama namin sa panulat sa kilalang aktres na baka puwedeng dagdagan ang baon niya patungong ibang bansa since super close naman sila to the max.

Kilala rin kasing mapagbigay at matulungin ang kilalang aktres sa entertainment press lalo’t ka-close niya at nakasabayan pa niya noon.

Kaya naman nang abutan ng kilalang aktres ang kasama namin sa panulat ay nagulat siya dahil malaki ito at halos bayad na ang kanyang round trip ticket.

Ang saya-saya ng kasamahan  namin at talagang enjoy siya sa bansang pinuntahan niya dahil nga may extra panggastos siya.

Ang siste pagbalik na pagbalik ng kasama namin sa panulat ay nakatanggap na siya ng mensahe mula sa kilalang aktres at sinisingil siya sa ibinigay nitong pabaon.

Nagulat ang kasamahan namin kaya’t tinext back niya ang aktres na akala ay bigay na dahil nga naglambing siya ng baon.

“Hindi pinahiram ko lang ‘yan, bayaran mo na ngayon kasi wala akong pera,” ang sagot daw sa kanya ng kilalang aktres.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kasama namin at sinabing bigyan siya ng sapat na panahon dahil wala siyang pera ng araw na iyon.

Kanya-kanyang hula na ang mga katoto na baka nalimutan ng kilalang aktres na bigay niya iyon kaya siya naniningil o baka nakainom ito noon kaya hindi nito maalala ang ginawa.

Lesson learned na nga ito sa kasamahan namin at nangakong hinding-hindi na siya lalapit sa kilalang aktres. 

* * *

Dodoblehin nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap ang kulitan at kilig sa kanilang pagsasama habang hinaharap ang mga bagong pagsubok ng kanilang pamilya sa iWantTFC original series na “Hoy, Love You Two,” na mapapanood ngayong Set. 11.

Excited ang bagong kasal na sina Jules at Marge (Joross at Roxanne) na bumuo sa wakas ng isang masayang pamilya sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan sa kani-kanilang mga anak at biyenan.

Magsusumikap si Jules na maipatayo ang dream house ni Marge sa kagustuhan niyang mabigyan ng maayos at komportableng buhay ang asawa at mga anak. Abala man sa negosyo nila, gagawin naman ni Marge ang lahat upang ipakita ang suporta niya sa mister kahit naisasantabi ang sarili niyang pangangailangan at ang paglalambing niyang magkaroon sila ng baby.

Dadaan sa matinding pagsubok ang mag-asawa dahil sa magiging kliyente nilang si Mica (Ritz Azul), isang sexy at magandang kaibigan ni Jules. Pagseselosan ni Marge ang lumalalim na samahan ng dalawa at walang kamalay-malay na motibo talaga ni Mica na agawin ang kanyang asawa.

Hindi lang si Mica ang poproblemahin nina Jules at Marge dahil hindi rin nila makakasundo ang kanilang mga anak. Dagdag pa rito ang pangungulit at pangmamaliit ng nanay ni Marge na si Elizabeth (Carmi Martin) at ang ex-boyfriend niyang si Richard (Dominic Ochoa) na parehong tutol na kay Jules para kay Marge sa simula pa lang ng kanilang relasyon.

Masusubukan din ang namumuong pagmamahalan nina Kara at Charles (Karina Bautista at Aljon Mendoza) dahil magiging hadlang sa relasyon ng dalawa ang istriktong Lolo Bruno (Lou Veloso) ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malalagpasan kaya nina Jules at Marge ang mga pagsubok para makabuo ng isang masayang pamilya?
Idinirek ni Theodore Boborol ang “Hoy, Love You Two” na mapapanood na simula Set. 11 sa iWantTFC app.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending