Rita, Ken nagluluksa rin sa pagpanaw ni Mahal; sunud-sunod na pasabog sa pagtatapos ng 'Ang Dalawang Ikaw' | Bandera

Rita, Ken nagluluksa rin sa pagpanaw ni Mahal; sunud-sunod na pasabog sa pagtatapos ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ervin Santiago |September 02,2021
facebook
share this

Rita, Ken nagluluksa rin sa pagpanaw ni Mahal; sunud-sunod na pasabog sa pagtatapos ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ervin Santiago - September 02, 2021 - 10:13 AM

Ken Chan, Mahal at Rita Daniela

IPINAGLULUKSA rin ng Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela ang biglaang pagkamatay ng komedyanang si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Naging malapit din ang Kapuso tandem kay Mahal nang makatrabaho nila ito noong 2019 sa GMA 7 primetime series na “One of the Baes”.

Ginampanan ni Mahal sa nasabing programa ang karakter ni Queen Floribeth Higantes, ang kaibigan ni Madel (Ruby Rodriguez) na nag-alaga kay Jowalyn (Rita Daniela) noong ito ay baby pa ito.

Ayon kina Rita at Ken, kahit na special participation lang ang pumanaw na komedyana  sa nasabing serye ay napamahal na agad ito sa kanila.

Sa kanyang Instagram account, inalala ni Rita ang masasayang moments nila ni Mahal sa taping. Aliw na aliw daw siya sa nakakahawa nitong pagtawa.

Ipinost ni Rita sa IG ang litrato nila ni Ken kasama si Mahal at sa kanyang caption sinabi ng aktres na isang karangalan ang makatrabaho niya si Mahal at siguradong mami-miss niya ang aktres ngayong wala na ito.

Tulad ni Rita, nagpasalamat din si Ken sa kanyang “Ate Mahal” sa masasayang alaala na iniwan nito sa kanila. Hindi raw niya makakalimutan kahit kailan ang mga pinagsamahan nilang masasayang tagpo habang nasa set ng “One of the Baes”.

Sumakabilang buhay si Mahal kamakalawa sa edad na 46 matapos tamaan ng COVID-19. 

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon series na “Ang Dalawang Ikaw”, asahan ang mas marami pang pasabog na eksena at twist sa kuwento.

Abangan ang mga bagong problemang haharapin nina Tyler, Nelson at Mia (Ken at Rita) sa huling dalawang linggo ng “ADI” na siguradong ikaka-shock ng manonood.

Ano kaya ang susunod na gagawin ni Beatrice (Anna Vicente) para hindi na siya iwan ni Tyler at tuluyan na nitong iwan si Mia? Magkaroon pa nga kaya ng happy ending ang masalimuot na love story nina Mia at Nelson o isang nakakakilabot na trahedya ang tatapos sa kanila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag na huwag nang bibitiw sa  nalalapit na pagtatapos ng “Ang Dalawang Ikaw” sa direksyon ni Jorron Lee Monroy. Napapanood pa rin ito pagkatapos ng “Nagbabagang Luha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending