Ivana #shookt nang makita si Liza; napatili naman dahil kay Joshua | Bandera

Ivana #shookt nang makita si Liza; napatili naman dahil kay Joshua

Therese Arceo - September 01, 2021 - 04:33 PM

NAGULAT at napatili si Ivana nang makita si Liza Soberano sa inihandang video greeting compilation ng kapatid na si Mona bilang parte ng kanilang sorpresa sa 2nd Anniversary celebration ni Ivana bilang vlogger.

“Sandali, wait. Hold on,” aligagang sabi ng dalaga. “Bakit nandyan si Liza?”

“Sorry po makapal ang mukha ko,” singit ni Mona sa screen.

Inamin ni Ivana na girl crush niya ang kapwa aktres. Nang muling i-play ang video ay todo ngiti ang dalaga at tutok na tutok sa panonood.

“Hi Ivana. Happy happy 2nd year on YouTube. Congratulations on all the milestones that you have created on YouTube and also in your career in general.

“I’m very proud of the woman that you are. I enjoy watching your videos and I do wish that one day that we can collab, may it be a YT video or a pictorial.

“Congratulations again. Enjoy your special day and shoutout to Mona for creating this wonderful surprise for you. Love you girls. God bless,” mensahe ni Liza.

“Love you,” reply naman ni Ivana at game na game sa collab na sinabi ni Liza.

Sumunod namang bumati sina Marco Gumabao at Donnalyn Bartolome na mga kaibigan at kapwa vloggers ng aktres.

Isang malakas na tili na naman ang ginawa ni Ivana nang makita si Joshua Garcia sa screen.

Tila hindi makapaniwala ang dalaga habang nanlalaki ang mata sa pinapanood. Inilaglag naman ni Mona ang kapatid at sinabing crush nito si Joshua.

“Huwag mong ipe-play. Ay. Ay. Mona, sandali lang. Hindi pa ako ready,” pigil ni Ivana sa kapatid.

Muli itong nagulat nang i-play na ni Mona ang video

“Annyeong haseyo. Hello, Ivana. This is Joshua Garcia, binabati ka ng happy 2nd YouTube anniversary. My message for you is to continue to inspire and entertain people because you do an excellent job and follow me on Instagram,” bati ni Joshua.

Napathumbs up rin si Ivana nang mag-thumbs up si Joshua sabay sabi ng “I love you” sa aktor:

“I follow you. You follow my heart,” singit ni Ivana na tumuturo pa sa dibdib nito.

“Kidding aside, just hope you and your family is safe in this time,” pagpapatuloy ni Joshua.

Marami pa ang bumati sa dalaga at kasama rito ang isa sa mga naging kaibigan niya sa showbiz na si Bela Padilla.

Nang matapos ang video greeting ay kinausap ni Ivana si Mona.

“Nakakahiya ka. Minessage mo si Joshua Garcia. Sinabi mo na crush ko s’ya no,” saad ni Ivana.

“Ang kapal ng mukha mo, Mona. Nag-DM ka kay Joshua,” hiyang hiyang pagpptuloy ni Ivana.

Maraming netizens naman ang natuwa at pabirong sinabihan si Ivana na matutong lumugar dahil may pila raw kay Joshua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero marami rin ang kinilig at agad na pinagtambal ang dalawa.

Ang tanong ng netizens, may chance kaya na mauwi sa relasyon ang paghanga ng dalaga sa kapwa aktor? Abangan natin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending