LPA posibleng pumasok sa bansa anumang oras, aasahang magiging bagyo
STAY safe and dry, mga ka-BANDERA!
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), aasahan ang mga pag-ulan dahil sa binabantayan nilang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.
Huli itong namataan 1,460 kilometers silangan ng Southeastern Luzon, based sa 10 a.m. update ngayong araw, October 20.
Ayon kay Weather Specialist Grace Castañeda, inaasahang papasok anumang oras ngayong araw, October 20, sa ating teritoryo o Philippine Area of Responsibility (PAR) ang weather disturbance.
Malaki rin daw ang tiyansa nito na maging isang bagyo at ito ay tatawaging “Kristine.”
Baka Bet Mo: Gerald sa pagliligtas ng buhay: That’s the feeling na hindi mo mabibili
Sey pa ni Castañeda, “Possible po this afternoon or bukas ng Lunes ay ito po ay maging isang ganap na bagyo.”
“Ayon sa ating latest analysis, possible po itong lumapit dito sa may silangan ng Northern at Central Luzon, and also hindi rin natin inaalis ‘yung possible na landfall scenario dito sa Northern at Central Luzon area,” paliwanag niya.
Sinabi ng PAGASA na ang “trough” o ekstensyon ng LPA ang nagpapaulan sa bahagi ng Luzon.
Kabilang na riyan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon, gayundin sa may Eastern Visayas at Bicol Region.
“Pag-iingat po sa mga kababayan natin diyan sa mga posibilidad na pagbaha at pagguho ng lupa,” babala ng ahensya.
Bukod sa mga nabanggit na lugar, magdudulot din ng mga ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Zamboanga Peninsula, BARMM, Sultan Kudarat, Sarangani, at Palawan.
Asahan naman ang isolated rainshowers sa Metro Manila dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.