Angeline sa mga gustong magparetoke: Go! Hindi mo naman ninakaw ‘yung perang ibabayad mo! | Bandera

Angeline sa mga gustong magparetoke: Go! Hindi mo naman ninakaw ‘yung perang ibabayad mo!

Ervin Santiago |September 01,2021
facebook
share this

Angeline sa mga gustong magparetoke: Go! Hindi mo naman ninakaw ‘yung perang ibabayad mo!

Ervin Santiago - September 01, 2021 - 08:59 AM

Angeline Quinto

KUNG may isang female celebrity na masasabing talagang proud retokada, yan ay walang iba kundi ang Birit Queen na si Angeline Quinto.

Hindi kailanman inilihim ng Kapamilya singer-actress na produkto rin siya ng siyensiya at hindi niya ikinahihiya na ilang beses na siyang sumailalim sa beauty enhancement procedures.

Kung matatandaan, taong 2013 nang ibandera ni Angeline sa buong universe na ilang procedures ang gagawin sa kanya ni Dra. Vicki Belo kabilang na ang ilong, mata, pisngi at ilan pang bahagi ng kanyang katawan.

Sa isang panayam, sinabi ni Angeline ang ilan sa mga dahilan kung bakit matapang niyang isinapubliko ang mga pinagdaanang cosmetic procedures.

“Kung meron mang mga tao na dumaan din sa ganitong sitwasyon, na meron silang gustong i-enhance sa looks nila, bakit naman hindi? 

“Kung gusto mo at afford mo naman. ‘Yung ibang kilala ko, nag-iipon pa para lang sa gusto nila ipagawa, e. 

“Hindi mo naman ninakaw ‘yung pera mo. Pinag-ipunan mo naman kasi gusto mo na kahit paano, may ipaayos,” paliwanag ng dalaga.

Sa katunayan, may iba pa sana siyang ipagagawa sa katawan niya noon pero kinontra na siya ni Vicki Belo. 

“Ako, sobrang suwerte ko lang din talaga na parang naging nanay-nanayan ko si Dr. Belo. Kapag halimbawa may gusto akong ipagawa, hindi naman lahat pinapayagan niya.

“Kasi, siyempre, bilang doctor, mas alam nila kung ano ‘yung kailangan mo lang, at ‘yung gusto ko lang na hindi naman pala kailangan,” aniya pa.

Dagdag pa niyang chika, “Kaya siguro din ako open, kasi wala namang masama. Kumbaga, sa parte ng trabaho ko, kailangan siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, may mga chika pa noon na talagang pinagaya raw niya kay Belo ang ilang features ng idol niyang Regine Velasquez kaya naman may mga anggulo ang singer na kahawig na kahawig ang Asia’s Songbird.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending