5 winner sa online challenges ng 2021 Miss Universe PH ibinandera na; bet ni Kris pasok sa banga!
IBINANDERA na ng Miss Universe Philippines pageant organizers ang mga kandidatang nagwagi sa mga isinagawa nilang online challenge nitong mga nakaraang linggo.
Inilabas ng Miss Universe Philippines organization kahapon sa pamamagitan ng kanilang official social media accounts ang mga pangalan ng winners mula sa headshot hanggang sa interview challenge.
Nilinaw nila na ang mga kandidatang pumasok sa Top 15 sa bawat challenge ay mula lamang sa fan votes at kinalaingan pa nilang isama ang boto ng mga napili nilang mga hurado.
“For the past weeks, we’ve narrowed our delegates down from 100 to 75 to 50 based on the combined votes of our panelists and the fans. Your votes definitely mattered and supported your favorite delegate’s journey,” ayon sa official statement ng MUP.
Dagdag pa ng organizers, “We already know the verdict from the fan votes, and with the completion of our last virtual challenge, it’s time to let the Universe know of our panelists’ decisions from the previous challenges!”
Narito ang opisyal na listahan ng mga challenge winners:
Headshot challenge: Maria Corazon Abalos (Mandaluyong)
Introduction challenge: Beatrice Luigi Gomez (Cebu City)
Runway challenge: Steffi Rose Aberasturi (Cebu province)
Casting challenge: Maureen Christa Wroblewitz (Pangasinan)
Interview challenge: Victoria Velasquez Vincent (Cavite)
Nagsimula ang 2021 edition ng national pageant with 100 delegates from all over the country. At mula rito, pinili ang 75 hanggang sa maging 50 na lamang.
At mula sa numerong ito, pipiliin ang Top 30 na siyang rarampa at magpapatalbugan sa grand coronation night sa Sept. 25. Dito, babalik sa zero ang score ng mga finalists at magkakaroon ng bagong set of judges.
Marami namang fans ang nalungkot nang hindi pumasok ang bet nilang young actress na si Kirsten Danielle “Kisses” Delavin sa list of winners na siyang nag-number one sa Headshot and Introduction Challenges based on fan votes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.