Wilbert kinontra ang mga pahayag ni Ethel: When you say sorry, you mean it | Bandera

Wilbert kinontra ang mga pahayag ni Ethel: When you say sorry, you mean it

Therese Arceo |August 28,2021
facebook
share this

Wilbert kinontra ang mga pahayag ni Ethel: When you say sorry, you mean it

Therese Arceo - August 28, 2021 - 02:50 PM


MULING naglabas ng pahayag si Wilbert Tolentino matapos mag-upload ng video ni Ethel Booba sa kaniyang YouTube channel ukol sa saloobin nito sa nagyaring issue sa kanila nina Madam Inutz.

Kinontra ng talent manager ni Madam Inutz ang ilan sa mga naging pahayag ng kaibigan dahil may ilan raw na hindi tumutugma sa mga nangyari.

Sa naunang pahayag ni Ethel, sumama ang loob nito dahil hindi man lang siya nilabas ni Madam Inutz na unang klinaro ni Momshie Wilbert.

Ayon kay Momshie Wilbert, tumawag agad siya nang mapag-alaman na nandoon sila Ethel. Gusto kasi niya na sumunod sa kaniyang policy at hindi ito basta-basta nagpapapasok kila Madam Inutz. Dagdag pa nito, sana ay sumunod sa safety protocols dahil na rin may sakit ang ina ng alaga.

“Sana maintindihan n’yo dahil hindi naging biro ang mga head count ng mga cases ng COVID right now. Si Nanay kapag in any moment, in just one snap, puwede siyang mahawaan lalo na’t bed ridden siya,” pakiusap ni Momshie.

Klinaro rin ni Wilbert na sinabi nito sa kampo nila Ethel na kung may nais tumulong kay Madam Inutz ay pwede namang ipa-receive sa kanila at agad nila itong ia-acknowledge.

“Ang mga statement n’yo, marami kayong mga plano, marami kayong sponsors na nakuha, I feel like nagiguilty ako dahil hinarang ko. It’s not that. Kung gusto n’yo talagang magbigay, nakausap ko kayo personally, sa messenger. Sinabi ko sa inyo na puwede n’yong iwan, ia-acknowledge namin, ipopost pa namin para mag-thank you. So maayos po ang management nakipag-usap sa inyo,” saad ng talent manager.

At pinabulaanan rin ni Momshie Wilbert ang naging pahayag nila Ethel na wala silang planong mag-vlog at nais lamang nitong dumalaw.

“Don’t say na pumunta kayo as a friend dahil pumunta po si Boobsy na naka-outfit po siya, naka-ready na siya kung ano ‘yung ginagamit niya pang-show,” pag-amin ni Momshie Wilbert.

Pinayuhan rin ni Momshie ang kaibigan na mag-sorry kung talagang nagsisisi sa ginawa at hindi lang dahil nababash na at sana ay bago nila nilabas ang TikTok ay pinag-isipan muna nila itong maigi.

“Ngayon lang kayo nag-sorry pero hindi niyo nakita ‘yung damages. Kasi when you say sorry, you mean it. You will not say sorry ‘pag dumating na ‘yung time na nababash kayo. ‘Wag kayong maging careless na parang di n’yo naisip ‘yung karamdaman din ng may karamdaman.

“Na-hurt rin ako personally sayo mare kasi nagong maayos ako, nag-approach ako sa inyo nang maayos at on the spot sinabi ko sa na, ‘mare pasensya na, bawi ako sa inyo sa ibang bagay’,” dagdag nito.

Pinaalala rin nito na sana ay ihiwalay ang friendship sa trabaho dahil nais lamang niyang pangalagaan ang kaniyang alaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling naman ni Momshie na sana ay tigilan na ang mga kanegahan na ibinabato sa kanila dahil maayos na sila at magsisilbing aral sa kanila ang mga nangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending