Ethel nasaktan sa inasal ni Madam Inutz kaya napa-gawa ng TikTok video | Bandera

Ethel nasaktan sa inasal ni Madam Inutz kaya napa-gawa ng TikTok video

Therese Arceo |August 28,2021
facebook
share this

Ethel nasaktan sa inasal ni Madam Inutz kaya napa-gawa ng TikTok video

Therese Arceo - August 28, 2021 - 02:47 PM

ETHEL BOOBA

NILAHAD ng vlogger-comedienne na si Ethel Booba ang kaniyang panig sa mainit na isyu nila nina Wilbert Tolentino at alaga nitong si Madam Inutz.

Dala daw ng sama ng loob kaya ginawa at inupload nila ang Tiktok video na pasaring sa kampo nila Madam Inutz agad na nag-viral.

“Parang pumunta ako as tao, nagpakumbaba ako kasi binibida kita (Madam Inutz) eh. Kasi parang feeling ko friend ko na siya. Ako sobrang ano rin ako, bihira lang rin akong makampante ng tao na nakakahalubilo ko.

“Na-hurt ako in a way na napahiya ako sa ‘yo (Boobsy Wonderland), napahiya rin ako sa mga tao dun nung sinara ‘yung pinto. Parang gusto kong matunaw dun,” umiiyak na saad ni Ethel,” kwento ni Ethel.

Nang buksan raw muli ang pinto, sinabi raw sa kanila na maghintay dahil naglalive pa si Madam Inutz ngunit alam daw nila na tapos na ang live kaya sila nagpunta sa bahay ni Inutz.

“Respeto naman na dinalaw kami as kaibigan. Kung hindi mo man kami tinuring na kaibigan, okay lang,” dagdag nito.

Hindi raw niya alam kung natakot ba siya dahil umder new management na si Madam Inutz ngunit sana man lang raw ay nagpakitang tao man lang ito at nilabas sila.

Nilinaw rin nila na wala raw katotohanan na may balak na mag-vlog ang kampo nila Ethel nang pumunta sila doon. Nais lang daw talaga nilang makita ang kaibigan at ipakilala si Boobsy dahil fan ito ng viral social media star.

Nasasaktan rin daw si Ethel sa mga komentong ginagamit niya lang si Madam Inutz para gawing content at mapagkaperahan.

“Ako pa ba? Ang dami ko ngang tinutulungan na tao. Hindi n’yo kasi alam ‘yung behind ng mga nangyayari,” saad ng komedyante.

Inilahad rin nito ang naging plano nila na i-sorpresa ang ina ni Madam Inutz dahil magbibirthday ito. Dagdag rin nito, may plano rin silang sorpresahin ang alaga ni Momshie Wilbert dahil marami ang nagpaabot sa kanya ng pera para itulong kay Madam Inutz.

“Ang dami-daming influencer na gustong tumulong kasi alam kong napakabuting tao ni Inutz,” pagpapatuloy ni Ethel.

Huwag rin daw sana siyang husgahan dahil hindi naman masama ang intensyon niya kay Madam Inutz.

Madami raw ang naging plano nila noong unang beses na dalawin nila si Inutz na hindi matuloy bilang respeto sa new management ng kaibigan.

Inamin rin ni Ethel na may pagkakamali siya na hindi muna nagpaalam kay Momshie Wilbert nang pumunta doon.

Nasa isip ni Ethel na bakit kailangan nilang mag-message kay Wilbert eh hindi naman sila magba-vlog at nandoon lang para makita at mag-hi sa kaibigan.

Nilinaw rin nito ang issue about sa mga dala nila para sa nanay ni Inutz na hindi naman ito para i-vlog at alam raw ito ni Ronnie, pinsan ni Inutz.

Humingi rin ng paumanhin sina Ethel, Boobsy, at partner ni Ethel kay Wilbert at sa lahat ng taong nasaktan sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan at tampuhan ngunit ngayon daw ay nakapag-usap na sila at maayos na ang lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending