Keann, Adrian naiyak nang maging nominadong ‘Best Actor’ sa 44th Gawad Urian
NAIYAK sa tuwa ang dalawang bida ng pelikulang “Boy Foretold by the Stars” na sina Keann Johnson at Adrian Lindayag dahil nominado sila sa pagka-Best Actor sa 44th Gawad Urian.
Ito kasi ang unang pelikula nina Keann at Adrian kaya sobrang saya nila na talagang naglulundag sa tuwa lalo na ang huli na umiiyak sabi ng Clever Minds producer na si Omar Sortijas.
Naunang na-nominate si Adrian sa parehong kategorya sa 46th Metro Manila Film Festival Award noong nakaraang taon bilang isa ang “Boy Foretold by the Stars” sa entry sa 2020 Metro Manila Film Festival.
Hindi lang ang dalawang bida ang naglulundag din sa tuwa, maging ang direktor nilang si Dolly Dulu ay unang beses ding makatikim ng Urian nominations.
Bukod sa Best Actor, Best Director ay nominado rin sa kategoryang Best Cinematography si Marvin Reyes at Best Screenplay na si direk Dolly uli.
Dahil sa success at magandang feedback ng “Boy Foretold by the Stars” ay itinuloy ito sa TV series na “Love Beneath by the Stars” na sobrang happy din ng management dahil sa magandang feedback mula sa viewers.
Ang TV series ay produce ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment/Clever Minds Inc at kasalukuyang umeere ngayon tuwing Lunes sa A2Z, Kapamilya online at iWantTFC.
Samantala, sa mga nag-aabang ng part two ng pelikulang “Boy Foretold by the Stars” na isasama sana ngayon 2021 Metro Manila Film Festival ay hindi na aabot sa deadline dahil hindi makapagsimula ng shooting dahil sa maraming restrictions ngayong COVID-19 pandemic.
“Tapos may serye pa sina Keann at Adrian (Marry Me, Marry You), “sambit ni Omar.
Target date na ipalabas ang part two ng Boy Foretold by the Stars ay sa Abril 2022 hopefully at iba ang titulo nito na hindi pa nire-reveal sa amin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.