Ethel may patutsada kay Wilbert; sinasamantala nga ba ang pagma-manage kay Madam Inutz? | Bandera

Ethel may patutsada kay Wilbert; sinasamantala nga ba ang pagma-manage kay Madam Inutz?

Therese Arceo |August 26,2021
facebook
share this

Ethel may patutsada kay Wilbert; sinasamantala nga ba ang pagma-manage kay Madam Inutz?

Therese Arceo - August 26, 2021 - 06:14 PM


MATAPOS sumikat at mag-viral ay marami ng mga celebrities at vloggers ang nais makipagcollab kay Madam Inutz.

Ngunit dahil nga may nagma-manage na kay Madam Inutz, kinakailangan na dumaan muna kila Momshie Wilbert kung may ganitong request.

Marami tuloy ang tila nagsasabi na baka sinasamantala at sinasarili ni Momshie Wilbert ang bagong alaga.

“Feeling ko, hindi naman sinasamantala ni Wilbert si Madam Inutz dahil katunayan, weird ang pagma-manage ni Wilbert kasi hindi siya kumukuha ng komisyon bagkus binibigyan pa niyang pera si Madam Inutz,” pagdedepensa ni Ogie kay Momshie Wilbert sa kaniyang Showbiz Update channel.

“Kasi ang kasulatan nila ay tutulungan niya si Madam Inutz sa abot niyang makakaya sa career nito. Kahit anumang dumating na proyekto ay hindi siya ka-cut. ‘Yung komisyon niya ay ibibili na lamang ng gamot ng nanay niya at itutulong sa kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Ogie.

Ayon pa sa kaniya, nagegets niya si Momshie Wilbert dahil bilang talent manager rin, ayaw niyang i-bypass siya ng kung sinuman ang nais mag-inquire sa kaniyang alaga.

Ang balak rin daw ni Momshie Wilbert ay ibalik si Madam Inutz sa kung saan siya minahal at sumikat, ang pag-oonline selling.

Nag-viral naman ang isang TikTok video ni Ethel Booba kasama sina Boobsy Wonderland kung saan maraming netizens ang curious kung patama ba ito kila Momshie Wilbert.

Sa video kasi ay makikitang hinahabol ni Boobsy si Ethel para magpa-picture ngunit pinagbawalan dahil wala raw silang appointment. Bukod pa rito, nabanggit rin ang ni Boobsy ang salitang “inutz”.

Sey naman ni Ethel sa Tiktok video, “Eh ano kung ayaw ng management? Hindi naman ako ganung tao, di naman ako katulad ng iba.”

Sa pagkakaalam ni Ogie, nag-attempt daw sila Ethel at Boobsy na pumunta kila Madam Inutz para mag-vlog kung saan may dala silang mga regalo para sa ina ng viral social media star.

Ngunit hindi sila pinayagan ng kampo ni Madam Inutz matapos itong ipaalam kay Momshie Wilbert. Biglaan kasi at walang paalam ang pagpunta nila Ethel kaya nang ipaalam ay hindi sila pinayagan.

Matatandaan na minsan nang nag-collab sina Ethel at Madam Inutz kasama si Donita Nose kung saan nag-inuman sila at pinakyaw ang mga binibentang ukay ng viral social media star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa paliwanang ng bawat kampo ukol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending