Mala-fairytale life story ng dalagang na-coma nagpasabog ng good vibes: I was in shock! | Bandera

Mala-fairytale life story ng dalagang na-coma nagpasabog ng good vibes: I was in shock!

Ervin Santiago - August 26, 2021 - 11:44 AM

Viktoria Cupay at Nick William Baldo

MARAMING na-touch, naiyak at na-inspire sa mala-fairytale na kuwento ni Viktoria Cupay na na-comatose matapos tamaan ng iba’t ibang karamdaman.

Ngunit makalipas ang isang buwan, muli siyang nagkamalay at nang magising ay natanggap ang isa sa pinakamagandang regalo mula sa kanyang boyfriend — nag-propose agad ito sa kanya at niyaya nang magpakasal.

Napanood ang inspiring life story ni Viktoria sa docu-series ng GMA Public Affairs na “Brigada” hosted by Kara David kung saan inilahad nga ng dalaga ang paghihirap na kanyang pinagdaanan dahil sa kanyang mga iniindang sakit.

Taong 2011 nang nagtungo sa Amerika si Viktoria kasama ang pamilya para doon na manirahan ngunit noong 2016 tinamaan siya ng lupus.

Kuwento ng ina niyang si Greta Cupay, “Itinakbo ko siya sa ER (emergency room) dahil masakit yung dibdib niya, di siya makahinga, chest pain, joint pains. Tapos meron na siyang rashes, parang butterfly rash na tinatawag. Tapos mataas ang lagnat.”

Base sa isang health website, ang lupus ay isang autoimmune disease kung saan ang immune system ng tao ang sumisira sa sarili nitong tissue at organs, gaya ng joints, skin, kidneys, blood cells, utak, puso at lungs.

Dahil sa mga iniinom na gamot, napaglalabanan ito ni Viktoria ngunit dumating ang panibagong pagsubok sa kanya nang ma-diagnose ng Stevens-Johnson Syndrome at toxic epidermal necrolysis, isang nakamamatay na sakit sa balat.

Ang Stevens-Johnson syndrome ay isang rare pero serious disorder na nakakaapekto sa ibang bahagi ng katawan, gaya ng balat, mucous membrane, genitals at mata.

“Lahat ng balat sa mukha niya, natanggal, sa kamay, sa paa, sa likod, sa dibdib, sa mga braso niya. Hindi nila ma-pinpoint kung ano talaga ang dahilan. Pero malamang yung gamot na ibinigay, isang factor din iyon, yung antibiotic, or dahil din do’n sa lupus niya,” paliwanag pa ng nanay ni Viktoria.

Hanggang isugod na nga ang dalaga sa ospital at ma-comatose, “Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang ni-revive,” ani Greta.

Mas lumakas pa raw ang pananalig nila sa Diyos na gagaling si Viktoria kaya araw-araw nila itong kinakausap, “Nagbi-video ako para makita niya rin, di ba, pagkagoaling niya.

“Kasi alam ko gagaling siya. Nilagay ko sa isip ko na gagaling siya. Makikita niya ang mga pictures at videos niya. Para makita niya kung gaano siya kalakas,” aniya pa.

Abot-langit din ang pasasalamat ng pamilya ni Viktoria sa boyfriend nitong si Nick William Baldo na talagang nag-e-effort din para sa paggaling ng dalaga.

Ani Nick sa panayam ng “Brigada,” “Usually, I would just tell her how everything is just gonna be okay, we love her. I would tell her what’s going on about her health that day, if there was news that day, I would always share that.”

Kuwento naman ni Greta, “Kinakausap ko siya. Sabi ko, ‘Anak, gumising ka na dahil nami-miss na kita.’ Tapos bigla siyang gumalaw.” Tandang-tanda rin niya na ang unang salitang narinig niyang sinabi ng anak nang magising ito ay “Mama.” 

Kasunod nito, ipinakita na nga ang pagpo-propose ni Nick kay Viktoria na naganap noong August, 2019.  Nasa ospital pa rin that time si Viktoria at may nakakabit pang mga aparato sa kanya.

“I wanted you to know that I’ll be here for you forever, and as long as we both live, I will be there for you. And so, have this ring with me, I would like give it to you today. Victoria Angela Cupay, will you marry me?” ang tanong ni Nick sa girlfriend na sinagot naman ni Viktoria ng “Yes!”  

Reaksyon naman ni Viktoria, “I was honored because when I was at my worst, Nick chose to see the best in me.”

Samantala, na-shock din si Viktoria nang mapanood ang mga video at makita ang mga litrato ng mga  pinagdaanan niya habang comatose sa ospital.

“I was in shock. Hindi nag-sink in agad kung ano’ng nangyari sa akin, and the extent of my injuries. I didn’t know that it was very serious. 

“I didn’t know na they had to revive me so many times, close to death. Shocking talaga. I would consider it a miracle,” pahayag ng dalaga.

Inamin din niya na may mga pagkakataon noon na gusto na niyang sumuko, “So many times I have felt that way. I wanted to give up. Sometimes I would tell my family, ‘Oh, I wanna give up.’

“But then they would tell me, ‘If you don’t wanna fight for yourself, fight for us,’” aniya pa.
Seven months na na-confine sa ospital ang dalaga at nagtagumpay nga sa laban niya kontra Stevens-Johnson Syndrome at toxic epidermal necrolysis. Ngunit patuloy pa ring ginagamot ang kanyang lupus.

Narito naman ang mensahe niya sa lahat ng mga nakikipaglaban din sa mga pagsubok, “If you are going through something, it’s hard to believe. People will tell you things will get better.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Because I have been there when I was at the lowest point of my life. There was no positivity. Parang sinasabi ko sa kanila, ‘I don’t believe you.’ But looking back at my journey, it’s amazing how far I’ve come.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending