Aga, Charlene emosyonal sa pag-alis ni Andres para mag-aral uli sa Spain | Bandera

Aga, Charlene emosyonal sa pag-alis ni Andres para mag-aral uli sa Spain

Reggee Bonoan - August 25, 2021 - 03:57 PM

Andres Muhlach, Charlene Gonzales at Aga Muhlach

TUMULAK na patungong Spain ang nag-iisang anak na lalaki nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres para ituloy ang kanyang pag-aaral kung saan nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo.

Sa kanyang Instagram account ay emosyonal na ipinost ni Charlene ang nararamdaman niya sa pag-alis ng anak.

“And just like that… The summer went by so fast (emoji sad).  Back to Spain today for your sophomore year in college.

“What a wonderful summer it was having you at home with us. We will be missing you, like we always do my son @aagupy.

“Be inspired & inspire. Spread your wings and continue to fly. Continue to praise, glorify & put God in the center of all that you do (emoji hearts) love you very much, Andres.”

Halos lahat ng followers ng dating beauty queen-actress at TV host ay nagsabing talagang napakabilis tumakbo ng panahon.

Nag-post din ang ama ng binata na si Aga, “My son, my partner, my gym partner, my buddy! Summer well spent with you! Hope you had a blast as well.

“Enjoy your 2nd year in college. I’ll miss you and you know that. See you soon! Continue to be nice and kind. God loves you. We love you!!! Cheers, buddy! @aagupy (heart emoji).”

Samantala, sa isang university sa United Kingdom naman nag-aaral si Atasha at dahil sa malakawang lockdown noong nakaraang taon ay online school siya.  Wala namang binanggit kung narito o umalis ng bansa ang dalaga.

* * *
                                           
Ang TFC pa rin ang pinakapinanonood sa mga multicultural Asian household sa Amerika para sa buwan ng Hunyo at Hulyo 2021, ayon sa datos ng Comscore, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang source ng TV viewing data sa U.S.

Ang channel ng ABS-CBN sa ibang bansa na TFC ay patuloy na nangunguna at mas pinipiling panooring Filipino channel ng subscribers sa U.S. Ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init sa Magdamag,” “La Vida Lena,” “Everybody Sing,” “#NoFilter,” at “TV Patrol Global Edition” ang mga nangunguna sa top 20 programs ng Comscore.

Para sa buwan ng Hunyo, 18 sa Top 20 shows ay galing sa TFC. Habang noong Hulyo, 19 sa mga programa ng TFC ang nasa Top 20 shows at isang show lamang galing GMA Pinoy TV ang nakapasok na pang-17 sa listahan.

Nanguna rin ang TFC sa mayroong pinakamaraming naaabot na kabahayan o households sa Asian networks, at sinundan lamang ng Sony Entertainment TV Asia (Southeast Asian) at GMA Pinoy TV (Filipino).

Nitong Hulyo, ang TFC pa rin ang pinipiliping channel ng Filipino subscribers, kung saan nasa 193,000 households o kabahayan ang nanonood dito, kumpara sa GMA Pinoy TV na mayroon lamang 159,000 na nanonood.

Pahayag ni ABS-CBN North America Managing Director Jun Del Rosario, “Natutuwa kami na base sa ipinakitang datos ng Comscore, nangunguna ang TFC kung ikukumpara sa ibang channels sa kaparehong kategorya. 

“Kung pagbabasehan ang datos mula sa Comscore at aming viewing metrics sa digital platforms, makikita na ang dami ng manonood ng TFC sa U.S. ay kapareho rin ng dami sa Europe, Middle East, at Asia Pacific. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tulad na lamang ng ‘Ang Probinsyano’ na nasa top 10 programs namin mapa-cable, satellite, at digital platforms man tulad ng iWant sa North America, EMEA, at APAC. Makikita dito kung gaano kalaki ang dating ng TFC shows sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending