Madam Inutz certified ka-freshness na matapos pumirma ng kontrata kay Wilbert Tolentino | Bandera

Madam Inutz certified ka-freshness na matapos pumirma ng kontrata kay Wilbert Tolentino

Therese Arceo |August 20,2021
facebook
share this

Madam Inutz certified ka-freshness na matapos pumirma ng kontrata kay Wilbert Tolentino

Therese Arceo - August 20, 2021 - 12:10 PM


MASAYANG inanunsyo ni Wilbert Tolentino na siya na ang talent manager ng viral online seller na si Madam Inutz o Daisy Lopez in real life.

Nag-Facebook live si Momshie Wilbert para ipakita ang contract signing ni Madam Inutz na nagdesisyong magpa-manage sa kaniya.

Nilinaw naman ni Momshie Wilbert na clear kay Madam Inutz ang kontrata na kaniyang pipirmahan at siniguradong naiintindihan niya ang lahat ng mga nakapaloob rito.

Dagdag pa nito, wikang Filipino ang ginamit nila sa kontrata para maging malinaw at patas ang lahat sa parehas na partido. At lahat ay may gabay ng kaniyang mga abogado.

Inihayag rin ng vlogger at CEO ang kaniyang mga plano para kay Madam Inutz.

“May upcoming na siya agad na single debut na ang title ay “Inutz”. Lahat ng kikitain niya ay para sa medications ng kaniyang ina,” reveal ni Momshie Wilbert.

“Sa mga may gustong magpa-product endorsements, events, bookings, mag-inquire lang po kayo.

“Andito lang ako para algaan si Madam Inutz. Pangako ko sa inyo na hindi ‘yan uuwi ng olats and I promise na I’ll make sure na pa-level up nang pa-level up si Madam,” dagdag pa nito.

Masayang masaya si Madam Inutz at talaga namang excited sa future projects under Momshie Wilbert.

“Support n’yo lang kaming dalawa, support n’yo lang ako, mga inutz. Hindi ko kayo bibiguin. Ako pa rin ‘to, pagmumurahin ko pa rin kayo,” biro naman ni Madam Inutz.

Marami ang natuwa sa desisyon ng viral online seller dahil finally ay nasa tamang direksyon na raw ito at siguradong hindi magkakaproblema dahil aalagaan siyang mabuti ni Momshie.

Sure rin na hindi siya peperahin nito dahil aware naman ang madlang pipol kung gaano kayaman si Momshie. Bukod pa rito, kitang-kita naman kung gaano ito kagalante sa pagtulong sa kapwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling naman ni Momshie ay sana walang bashing na maganap dahil hangad lang niya ang ikabubuti ni Madam Inutz pati na rin ng kaniyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending