Sino ang Tunay na Party-list? | Bandera

Sino ang Tunay na Party-list?

- August 24, 2009 - 03:32 PM

KUNG nagtataasan ang mga kilay sa mga aplikanteng party-list na Alyansang Sabungero, na kinabibilangan ng maliliit na obrero sa mga sabungan at di ang mga milyonaryo’t bilyonaryong sabungero na patuloy na nagkakamal ng limpak-limpak na salapi sa tuwing may derby (may narinig na ba kayong mayamang namulubi pagkatapos ng derby) at Ladlad, na kinabibilangan ng mga bakla’t tomboy na ayon sa nagtatag na si Danton Remoto ay mahihirap na entreneur ng mga parlor at obrero (ano ba ang karaniwang dahilan kung bakit nalulugi ang parlor?), dahil pinangungunahan nila ang Commission on Elections na barahin ang mga ito, bakit nasa Kamara ngayon ang mga party-list na ibig magpabagsak ng gobyerno at kakampi ng komunista’t New People’s Army?
Sa Estados Unidos (o, baka may sumigaw na lider-Kaliwa ng colonial mentality), ang dahilan kung bakit natalo si JFK (Sen. John F. Kerry-Democrat), at nanalo si Pangulong George W. Bush, ay nabisto ng mga botante ang pagkampi ng ka-initial ni John Fitzgerald Kennedy sa kalaban ng gobyerno, ang partido at kawal komunista ng North Vietnam (ayon kay JFK, beterano siya ng gera sa Vietnam at may mga medalya, pero napatunayang ang mga tama niya ng bala ay bunsod ng maling paghawak ng machine gun sa mga lantsa sa ilog at nakuhanan pa siya ng mga retraro na dumalaw at nakikipagmabutihan sa pamunuan ng Communist Party of North Vietnam).
Sa Pilipinas, sa malamig at komportableng Batasan Pambansa, sinusuwelduhan ng taumbayan ang mga party-list na kampi sa Kaliwa, grupong obrero man o estudyante, grupong kababaihan man o magsasaka’t mangingisda.
Sa Amerika (o, hayan na naman, colonial mentality na naman), agad na pinutol ng mga mambabatas ang tulong pinansiyal (siyempre, ang pera ay galing sa taumbayan) sa Endowment of the Arts, na ang mga benepisyaryo ay napatunayang katig sa kalaswaan (o, hindi komunista yan at mapanira lamang ng kaisipan ng kabataan).  Kalaswaan at komunista, kalaban sila ng gobyerno.  Bakit nga naman bibigyan ng gobyerno ng pera ang kalaban niya?
Pero, iba ang kalakaran sa Pilipinas, sa Batasan Pambansa at sa Mendiola.  Sa Pilipinas, sa Batasan Pambansa at sa Mendiola, mas maiingay ang mga kalaban ng gobyerno kesa kakampi.
Ang mahihirap na naninirahan sa pusali’t ilalim ng mga tulay ay walang kumakalingang party-list (dahil wala silang mahihita sa mga ito), pero sila’y dinadalaw ng mga trapo (traditional politicians) para mapakinabangan sa paninira sa nagtatrabaho.
Oo nga naman.  Ngawa lang ng mga trapo.  Ngawngaw lang ng Kaliwa.  Yan lang pala ang kailangan para masabing nagtatrabaho ang partido, ang party-list.

BANDERA Editorial, August 24, 2009

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending