Andi nag-effort para sa eco-friendly birthday party ni Lilo sa Siargao: Zero waste ang packaging ng mga regalo | Bandera

Andi nag-effort para sa eco-friendly birthday party ni Lilo sa Siargao: Zero waste ang packaging ng mga regalo

Ervin Santiago |August 12,2021
facebook
share this

Andi nag-effort para sa eco-friendly birthday party ni Lilo sa Siargao: Zero waste ang packaging ng mga regalo

Ervin Santiago - August 12, 2021 - 02:25 PM

Andi Eigenmann at Lilo Alipayo

ANG bongga naman pala ng ginanap na eco-friendly celebration para sa 2nd birthday ng anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo.

Nag-share ang aktres sa pamamagitan ng social media ng ilang kaganapan sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ni Lilo na ginanap sa kanilang lugar sa isla ng Siargao.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ni Andi ang pag-attend ng mga malalapit nilang kaibigan sa party kabilang na ang ilang batang naninirahan sa nasabing isla.

Ngunit ang isa sa mga nakakatuwa sa birthday celebration ni Lilo ay ang patuloy na pagsusulong nina Andi at Philmar sa kanilang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon sa mag-asawa, lahat ng ginamit nila sa party ay puro eco-friendly and biodegradable materials kaya naman natapos ang selebrasyon nang walang masyadong kalat.

“I’m so happy our guests are so creative because the packaging of most of the presents are zero waste,” pahayag ni Andi sa kanyang YouTube vlog. 

Siya rin mismo ang nag-prepare ng ilang art activities sa party tulad ng finger painting at tie-dyeing para sa mga nakisaya sa birthday ni Lilo.

Nagpapasalamat din ang fiancèe ni Philmar sa lahat ng bumati at nagparamdam ng pagmamahal kay Lilo na super happy talaga sa kanyang simple pero napakasayang party.

“Madilim na. Wala nang music. Nag-brown out. Island livin’. Nag-brownout po sa amin. But I guess dito na din magtatapos ang party ni Lilo since it’s already nighttime. The sun just set.

“Super happy with everyone that came to our party. All of our loved ones, our friends, and family, and all of the kids I hope they had a fun time,” pahayag pa ng anak ni Jaclyn Jose.

Ngunit talagang maswerte at blessed ang kaarawan ni Lilo dahil bago pa magpaalam si Andi sa kanyang vlog ay bumalik na agad ang kuryente kaya nagtuluy-tuloy pa rin ang party.

Samantala, marami naman ang nagkomento at pumuri sa panganay ni Andi na si Ellie na super supportive ate sa younger sister niyang si Lilo. 

Tuwang-tuwa sila sa pagiging sweet at responsableng kapatid ni Ellie base na rin sa vlog ni Andi. Sabi pa nga ng ilang nanay na IG followers, sana all may anak na tulad ni Ellie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“God bless you Ellie, such a sweet ate. Never teases and makes her siblings cry (unlike other ates out there to their younger siblings) but instead helps in taking care and looking after them. She is so lucky to have experienced to be a unica hija on Jake’s side, and a responsible ate on the other side,” comment ng isang netizen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending