Jodi sa BL series na 'Love Beneath The Stars': Meron siyang effect sa manonood! Bandera

Jodi sa BL series na ‘Love Beneath The Stars’: Meron siyang effect sa manonood!

Reggee Bonoan |August 11,2021
share this

Jodi sa BL series na ‘Love Beneath The Stars’: Meron siyang effect sa manonood!

Reggee Bonoan August 11, 2021 - 06:44 PM

Jodi Sta.Maria, Keann Johnson at Adrian Lindayag

SOBRANG excited na ang supporters ng “Boy Foretold by the Stars” cast na sina Keann Johnson at Adrian Lindayag dahil meron na nga itong follow-up series. 

Ito talaga ang hiniling nila noon sa Clever Minds producers na sina Derick Cabrido, Omar Sortijas at Jodi Sta. Maria dahil nabitin sila sa pelikula.

Oo nga, grabe ang fans nina Luke (Keann) at Dominic (Adrian) kaya nang malaman nilang may “Love Beneath the Stars” na may anim na episode at mapapanood na simula sa Lunes, Agosto 16 sa iWantTFC ay talagang mega abang na sila.

Nakakakilig nga ang kuwento nina Luke at Dominic na pareho nang open sa relasyon nila at dahil sa mga positibong feedback ay masaya ang aktres na si Jodi at proud siya sa bago nilang proyekto.

Kaya sobrang pasalamat ni Jodi kina Adrian at Keann kasama sina Romnick Sarmenta, Nikki Valdez, Victor Silayan, Iyah Mina at Agot Isidro at siyempre sa direktor na si Dolly Dulu dahil sa napakagandang pagkakasulat ng kuwento.

Aniya, “Every story naman talaga is worth telling ‘di ba and maganda din talaga yung mga dramatic points ng pelikula. The characters are so relatable. 

“Alam mo ‘yung kilala natin sila. I guess that’s why when you watch it, it has that effect on you. It is a person’s heart that you’re watching eh. It’s their story there and regardless of gender or race or social status, parang love is really universal.

“Napakaraming pinagdaanan ng pelikula bago siya nailabas and we’re just so happy na after so many redirections na nangyari sa pelikula, naging Second Best Picture tayo, nanalo tayo ng Gender Sensitivity Award, and we’re just blessed with a good directors and good actors so I couldn’t ask for more,” pahayag ng aktres at producer.

Siyempre kasama sa pinasalamatan ni Jodi ang Dreamscape Entertainment na naging daan para mapanood ito sa iWantTFC.

“Nagpapasalamat siyempre unang-una sa Dreamscape, sa iWant TFC, direk Dolly thank you for sharing your story with us. Gusto ko rin i-commend ang ating cast.

“Thank you so much for sharing your talent and for doing such an amazing job breathing life into the characters, and thank you din sa lahat ng tumulong sa atin to get the message out there and dun sa mga sumubaybay sa The Boy Foretold By the Stars. 

“Ito na ‘yung series na hinihingi niyo, na inaabangan ninyo, iniintay ninyo. Sana makasama pa rin namin kayo sa journey ni Luke at ni Dominc. Ingat kayong lahat. Please stay healthy and stay safe. God bless you all,” say ng aktres.

* * *
                                                  
Extended ang kilig at doble-doble ang saya para sa fans ng hit series na “He’s Into Her” dahil mapapanood na ngayon nang libre ang “He’s Into Her: The Journey” at ang “The Benison Ball” sa iWantTFC.

Balik-balikan ang nakaka-in love at exciting na pagtatanghal ng cast sa pangunguna ni Belle Mariano at Donny Pangilinan sa “The Benison Ball,” ang espesyal na finale concert ng serye, at alamin kung bakit ito ang tinaguriang pinakamatagumpay na concert na idinaos sa KTX.PH.

Mapapanood din sa “Benison Ball” ang iba’t ibang performances nina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Criza Taa, Joao Constancia, Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Criza Taa, Limer Veloso, pati na ng special guests na sina Jayda Avanzado, SAB, JC Alcantara, Gigi de Lana, at BGYO.

Sa “He’s Into Her: The Journey” naman, ibinahagi ng cast members at production team kung paano nabuo at ginawa ang serye sa loob ng dalawang taon, mula sa mga pinagdaanan nito ngayong pandemya hanggang sa never-before-seen footage, audition videos, at iba pang mga nakakatantig na kwento mula mismo sa mga bida.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending