Jessy ipinagtanggol si Angel sa laiterang basher: Please tama na 'yung ganyan, we are all happy na | Bandera

Jessy ipinagtanggol si Angel sa laiterang basher: Please tama na ‘yung ganyan, we are all happy na

Ervin Santiago |August 09,2021
facebook
share this

Jessy ipinagtanggol si Angel sa laiterang basher: Please tama na ‘yung ganyan, we are all happy na

Ervin Santiago - August 09, 2021 - 11:24 AM

Angel Locsin, Neil Arce, Jessy Mendiola at Luis Manzano

IPINAGTANGGOL ng actress-vlogger na si Jessy Mendiola ang bagong kasal na si Angel Locsin laban sa mga netizens na nanglalait sa katawan nito.

Pinagsabihan ng misis ni Luis Manzano ang mga body-shamer sa social media na hindi tumitigil sa pang-ookray sa pagiging plus size ni Angel.

Nag-post si Jessy ng kanyang litrato sa Instagram na may caption na, “A little length goes a long way!  I had my Hairtalk tape-ins reattached a few days before the ECQ. 

“I needed a few pairs for added volume and length! No need to attach hair clip extensions whenever I need to shoot a vlog or take pics for work! swipe left to see before and after pics from the back!”

Maraming pumuri sa ganda at kaseksihan ngayon ng aktres at nagsabing napakaswerte raw ni Luis na siya ang napangasawa nito. Ipinagdarasal din daw nila na tumagal nang napakaraming taon ang kanilang pagsasama.

Pero may isang netizen nga ang pumuri kay Jessy pero nilait naman si Angel at tinawag na “tabachoy.”

“Love you queen, mas maganda ka ng di hamak kay tabachoy na angel locsin. Yuckie,” ang comment ng isang IG follower ni Jessy.

Agad naman itong sinagot ng asawa ni Luis, “Please tama na ‘yung ganyan. We are all happy na.

“Peace and love lang, please. Ingat ngayong ECQ,” ang pakiusap pa ng aktres sa basher ni Angel.

Naging kontrobersyal noon ang paghihiwalay nina Luis at Angel at nadamay pa si Jessy na inakusahang siyang dahilan kung bakit daw nasira ang relasyon ng ex couple.

Tinawag pa nga siya noon ng mga fans ni Angel ng ahas, anaconda, mang-aagaw at kung anu-ano pang masasakit at malilisyosong salita dahil nga siya ang nakatuluyan ni Luis.

Ngunit tulad nga ng sinabi ni Jessy, sana raw ay maka-move on na ang lahat ng mga haters at bashers dahil masaya na sila sa kani-kanilang buhay.

Kamakailan ay ikinasal na nga si Angel sa film producer na si Neil Arce at nagsimula na ngang maglipat sa bago nilang bahay bilang mag-asawa.

Inamin naman ni Angel na medyo may pressure na on her part kapag napag-uusapan na ang baby dahil nga sa edad niya ngayon.

At kung noon ay gustung-gusto niyang magkaroon ng kambal na anak, bigla raw itong nagbago nang magka-baby na ang kanyang mga kaibigan.

“Noon kasi nahihilig ako sa kambal. Kapag nakakakita ako ng kambal, sobrang cute, ‘di ba? Eh wala akong lahing kambal. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero nu’ng nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na nagka-babies na at kung gaano pala kahirap mag-alaga ng bata, sabi ko ‘ay parang di ko yata kaya mag-alaga ng sabay.’ So, kahit isa na lang,” paliwanag ng misis ni Neil.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending