Angel: Ang pakiusap ko lang, let's protect Dimples Romana at all cost! | Bandera

Angel: Ang pakiusap ko lang, let’s protect Dimples Romana at all cost!

Ervin Santiago - August 09, 2021 - 09:06 AM

Angel Locsin, Neil Arce at Dimples Romana

“SI DIMPLES Romana lang ang Sakalam!” Yan ang siguradong isisigaw ng mga supporters at fans ni Angel Locsin dahil sa pagiging best BFF ever.

Todo ang ipinaabot na pasasalamat ng bagong kasal na sina Angel at Neil Arce sa best friend nilang si Dimples na talagang nag-effort para maging witness sa kanilang intimate civil wedding.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapamilya TV host-actress ang kanyang appreciation post para kay Dimples.

Inasar-asar pa ni Angel ang kaibigan dahil sa pag-iyak nito habang ginaganap ang kasal nila ni Neil, “Excuse me… are you the mother?”

Kasunod nito, ibinahagi rin ng bagong kasal na aktres ang nakakaaliw na palitan nila ng mensahe ni Dimples nang tanungin niya ito kung pwedeng tumayo bilang isa sa mga witness sa kanyang wedding.

Angel: “Mars? Pwede ka bang mag witness? Kailangan pala hehe.

Dimples: “Oo naman. Anong kailangan mo? Anong isusuot?

Angel: “Kahit ano lang. jeans.

Dimples: “Wala kang kwentang kausap. Di nga?

Angel: “Pants lang mars. Kung ano lang ang suot mo. Kahit naka-slippers.

Dimples: “Sa harap ng mayor, naka-tsinelas?! Mag-ayos ka naman!”

Sa huli, nagbigay din ng maikli ngunit super sweet na message si Angel para kay Dimples na makikita nga sa mga litrato na umiiyak.

“Ang pakiusap ko lang, let’s protect Dimples Romana at all cost. Mahal na mahal ko yan,” hirit ng misis ni Neil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, natupad ang wish ni Angel na magkaroon ng simple at intimate na civil wedding kung saan nakasuot ang bride at groom ng matching black and white casual, chic outfits.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending