Senatorial slot reserved na sa isang matinong pulis | Bandera

Senatorial slot reserved na sa isang matinong pulis

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
August 05, 2021 - 09:06 PM

Hindi pa man nag-iinit sa kanyang bagong pwesto ang isang mahusay na opisyal ng pamahalaan ay kaliwa’t kanan ang alok sa kanya na tumakbo bilang senador sa susunod na halalan.

Kumbaga ay magaan ang dating sa publiko ng ating bida kaya naman pinag-aagawan siya ng mga ‘talent scout” mula sa administrasyon at pati na rin sa oposisyon.

Bilang pinuno ng isang kilalang ahensya ng pamahalaan, sinabi ng aking cricket na swak kay sir ang kasalukuyan niyang posisyon.

Bagama’t marami ang naniniwala na dapat noon pa siya naupo bilang hepe sa nasabing government office ay masasabi nating hindi pa naman huli ang lahat dahil sa mahusay na track record ng ating bida.

Kilalang diciplinarian si sir sa kanilang hanay kaya naman malaki ang paghanga sa kanya ng publiko kumpara sa mga naunang hepe sa nasabing tanggapan ng pamahalaan.

Inaasahan rin na marami ang mag-aalok sa kanya bilang pambato sa congressional seat o kaya naman ay pwesto para sa isang local position.

Anuman ang kanyang mapiling landas sa kanyang pagreretiro sa buwan ng nobyembre ay nawa’y hindi magbago ang mahusay niyang pakikitungo sa publiko.

Sayang ang maiksing panahon na meron siya para linisin ang isang sangay ng pamahalaan na matagal nang laman ng mga balita dahil sa ilang mga kapalpakan.

Ang bida sa ating column ngayong araw ay walang iba kundi ang hepe ng pambansang pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending