Former MTRCB Chairman Manoling Morato pumanaw dahil sa COVID-19
PUMANAW na ang dating Movie and TV Review and Classifications Board (MTRCB) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman na si Manuel “Manoling” Morato nitong Biyernes, July 30, sa edad na 87.
Ayon sa kaniyang pamilya, mabilis raw ang pag-deteriorate ng kalusugan nito apat na araw matapos ma-ospital.
“Ang bilis, a matter of a week! It took us all by surprise because usually he overcomes challenges,” paglalahad ng apo nito na si Jake Cuenca.
Nagpaabot rin ng mensahe ng pakikiramay ang MTRCB na siya pinamahalaan ni Manoling ng anim na taon.
Kilala si Morato sa pagsugpo ng mga “penekula” (penetration films) sa panunungkulan niya mula 1986 hanggang 1992.
“The whole of the MTRCB family joins in mourning the loss of Manuel ‘Manoling’ Morato, Former Chairperson and legend of the Philippine entertainment industry. Your contributions to history, the national discourse and the lives of the Filipino people will remain ever large in our hearts. You will be missed Sir!”
Nagpaabot rin ng mensahe ng pakikiramay si Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook account. Pinuri rin ng senador ang naging kontribusyon nito sa film industry.
“Ang aming taus-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga naiwan ni Chairman Manoling Morato. Ang kaniyang kontribusyon sa Industriya ng pelikula at sining ay hindi matatawaran, gayundin ang kanyang naging ambag para iangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga nangangailangang kababayan. May he find eternal peace with our creator.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.