Cindy Miranda naging emosyonal sa presscon nang mapag-usapan ang hiwalayang Aljur at Kylie | Bandera

Cindy Miranda naging emosyonal sa presscon nang mapag-usapan ang hiwalayang Aljur at Kylie

Reggee Bonoan |July 28,2021
facebook
share this

Cindy Miranda naging emosyonal sa presscon nang mapag-usapan ang hiwalayang Aljur at Kylie

Reggee Bonoan - July 28, 2021 - 06:38 PM

NAGING emosyonal si Cindy Miranda sa katatapos lang na solo virtual mediacon para sa pelikulang “Nerisa” mula sa Viva Films at sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Isa kasi ang aktres sa mga nadawit at itinuturong dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Si Aljur ang leading man ni Cindy sa “Nerisa” at nataon na lumabas din ang panayam ng biyenan ng aktor na si Robin Padilla na ang dahilan umano ng paghihiwalay nila ni Kylie  ay dahil may babae siya.

“Ang dami kong natutunan, ang daming mga taong nakasama ko rati na naging kaibigan ko na ang tagal ko nang hindi nakakausap at may pamilya na sila na at nag-message sila na sinabing ‘very proud’ sila sa akin.

“Hindi sila naniwala sa isyu, sabi nila, ‘alam mo Cindy nu’ng nabasa ko ‘yung isyu hindi talaga ako naniwala!’

“Isa po ‘yun sa sobrang thankful ako, salamat sa mga taong nakakakilala sa akin at siyempre sa family ko,” pahayag ni Cindy.

Sa Hulyo 30 pa mapapanood ang “Nerisa” sa Vivamax na may global premiere sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV kaya hindi pa ito napapanood ng pamilya ng baguhang aktres.

“Sobrang proud po ang family ko sa akin at hindi pa nila napapanood ang movie kaya hindi nila alam kung ano ang ginawa ko sa movie, pero ‘yung sabihing very proud ang mga kapatid ko, ang nanay ko, my dad, he passed away na!” pahayag ni Cindy.

Death anniversary daw ng daddy niya ang petsang Hulyo 30 na streaming date ng “Nerisa,” “Nagkasabay nga. Sana maging proud siya sa akin kasi before po siya mawala, ito ‘yung dream niya sa akin na mapanood niya at magkaroon ako ng title role.

“Nakakaiyak lang po kasi ito na, sana ma-appreciate ng lahat.  Sobrang thankful ko po anuman ang mangyari sa ‘Nerisa’, sana maging maganda sa lahat at kung hindi man maging maganda sa ibang mata ng manonood okay lang po, I gave my best.  

“Sobrang mahal ko po itong ‘Nerisa’ dahil ito ang nagpatuloy na gusto kong gumawa ng mas maraming pelikula,” kuwento ng actress-beauty queen.

Speaking of being a beauty queen (nanalo siya bilang Binibining Pilipinas Tourism 2013) ay hindi raa niya ito pinangarap dahil ang gusto niya talaga ay maging artista at nataon na nakita siya ng pageant mentor at co-founder ng Aces and Queens na si Jonas Gaffud at sinabihan siyang subukan mag-pageant kaya ginawa niya at nanalo naman siya.

“Sobrang thankful po ako na nanalo ako, pero ito po talaga ang pangarap ko simula bata ako na maging artista.  Hindi ko po alam kung may karapatan akong maging artista kasi wala naman akong kuneksyon siyempre taga probinsya po ako, taga-Nueva Ecija tapos ‘yung mga artista ang gaganda po nila, paano po ako papasok doon?  Paano ako madi-discover bilang artista?

“So akala ko po hanggang pangarap na lang po, eh. I think ‘yung pagiging beauty queen po ang nagbigay ng daan sa akin para makarating po ako rito at plano ni God talaga na kahit wala sa plano ko maging beauty queen, iyon ang ginawa niyang way para makarating ako kung nasaan po ako ngayon,” balik-tanaw ni Cindy.

Sa kasalukuyan ay single ang dalaga at hindi naman siya nagmamadaling magka-boyfriend pero sana kung sinuman ang dumating ay iyon na ang makatuluyan niya sa buhay.

“Okay pa naman po ako bilang single para maka-focus pa ako sa work ko, pero masarap din po kapag may kasama ka, pero okay lang na wala pa,”saad ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, bukod kina Cindy at Aljur ay kasama rin sa “Nerisa” sina AJ Raval, Sheree Bautista, Sean De Guzman, Elizabeth Oropesa at Bembol Roco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending