Sheryl, Jeric lantad na ang relasyon; kahit 18 taon ang agwat ng edad aprub sa mga fans | Bandera

Sheryl, Jeric lantad na ang relasyon; kahit 18 taon ang agwat ng edad aprub sa mga fans

Reggee Bonoan |July 27,2021
facebook
share this

Sheryl, Jeric lantad na ang relasyon; kahit 18 taon ang agwat ng edad aprub sa mga fans

Reggee Bonoan - July 27, 2021 - 05:38 PM

MUKHANG open na ang young actor na si Jeric Gonzales sa umano’y relasyon nila ni Sheryl Cruz dahil hinayaan niyang i-post ng aktres ang mga pasalubong niya galing Baguio kamakailan at may “love you” pang kasama.

Ang caption ni Sheryl sa kanyang Instagram post, “Kilig to the Bones #PasalubongFromBaguio #ThankYou #LoveYou #blessedandgrateful.”

Base sa nakita naming video post ng aktres ay Starbucks venti cup na may pangalang Sheryl at Jeric, raisin bread, bottled pastries, prutas, mga gulay at iba’t ibang klase ng halaman ang ilan sa mga pasalubong sa kanya ng binata.

Suportado naman ng kanilang mga social media followers ang rumored relationship nina Jeric at Sheryl.

Say ni @itsmichigan, “The best yung name sa cup ng starbbucks (heart emojis).”

Sundot naman ni @chona_abe, “@itsmichigan, true at may #loveyou.”

Sabi rin ni @najirangail, “Ang sarap kiligin. Keep goin’…Love is in the air….Always. For team Sheric.”

Ayon naman kay @justjiron, “Walang matutulog ng di nakangiti hehe a lab you ka talaga ms she.”

Binati naman ni @randitong123 ang dalawa, “Love love love it. I’m so happy for you both. You deserve to be happy. I feel like a teenager again with the both of you!”

At inamin na rin ni Jeric na sila na nga ng aktres sa pamamagitan ng post nito sa TikTok na may mga sweet photos pa silang dalawa.

Si Sheryl ay 47 at si Jeric ay 29, ibig sabihin 18 years ang agwat ng edad nila. Sam mga nakaraang pahayag ng aktres ay palagi nitong sinasabi na magkaibigan lang sila ni Jeric na nagsimula nga sa ginawa nilang teleserye sa GMA.

Si Jeric kaya ‘yung tinutukoy sa isang blind item noon na habang nasa bakasyon sila ng non-showbiz girlfriend niya sa Japan ay bigla silang nag-away dahil nakatanggap ng message ang aktor mula sa aktres na may nakalagay na, “I miss you”?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iniwan daw ng aktor ang girlfriend sa Japan at dali-daling bumalik ng Pilipinas. Ano’ng masasabi mo riyan, Jeric? Kayo na ba talaga ni Sheryl?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending