Kris Bernal hindi na naman pwedeng makipagkita sa fiance: Baka mag-meet kami sa mismong kasal na namin
KUNG patuloy na maghihigpit ang gobyerno sa pagpapatupad ng mas istriktong health protocols sa bansa, baka raw sa mismong araw na ng kanilang kasal magkita sina Kris Bernal at Perry Choi.
Dahil sa mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19, napilitan ang pamahalaab na mag-impose muli ng strict restrictions sa National Capital Region.
Simula kahapon, July 25, nagpatupad uli ng curfew hours sa Metro Manila mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. bilang bahagi ng safery protocols sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” measure.
At dahil nga rito, mukhang matagal na naman daw hindi magkikita sina Kris at Perry at ang ikinababahala pa niya ay baka raw sa mismong wedding day na sila mag-meet uli.
Kaya naman hindi mapigilan ng actress-entrepreneur ang ipagayag ang kanyang pagmamahal at pagka-miss sa kanyang fiancé.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Kris ng litrato nila ni Perry na kuha sa kanilang prenup pictorial ilang linggo na ang nakararaan.
“Missing my man!” ani Kris sa inilagay niyang caption sa photo nilang magdyowa kung saan suot niya ang kanyang yellow swimsuit.
“We couldn’t meet up again because of the surrounding news lately about the Delta variant.
“And because I’m locking in for a movie project, maybe the next time we’ll meet each other is during my walk in the aisle,” ang pahabol pang chika ng aktres.
Ang tinutukoy ni Kris ay ang lock-in shooting para sa isang sexy comedy film kung saan gaganap siyang gym instructor.
“May gagawin akong movie. Sexy comedy naman, excited ako kasi ang role ko is gym instructor. Gusto ko kasi very passionate ako sa working out. Importante rin yun to maintain our health,” aniya.
Bukod dito, mapapanood din siya sa susunod na episode ng Kapuso drama anthology na “Tadhana” kasama si Rodjun Cruz. Kamakailan, bumida rin siya sa “Magpakailanman” kasama sina Katrina Halili at Martin del Rosario.
“Ano’ng pinagkakaabalahan ko ngayong quarantine? Siyempre nandiyan kasi ‘yung mga online projects, nandyan ‘yung mga online commitments, so I’m very thankful. Kasi delikado pa rin sa labas.
“Freelancer ako. I’m not exclusive to any network so na-appreciate ko ‘yung mga trabaho ko sa bahay. Thankful ako na may mga nagko-consider sa akin. I’m thankful also to Tadhana kasi binigyan nila ako ng episode na ito,” pahayag pa ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.