Zanjoe, Angelica inihalintulad ng netizen sa "My Amanda" | Bandera

Zanjoe, Angelica inihalintulad ng netizen sa “My Amanda”

Therese Arceo |July 24,2021
facebook
share this

Zanjoe, Angelica inihalintulad ng netizen sa “My Amanda”

Therese Arceo - July 24, 2021 - 12:35 PM

ISANG netizen ang naghalintulad sa samahan ni Angelica at Zanjoe kina Fuffy at Fream ng “My Amanda”.

Nakakaaliw at nakakakilig kasi ang birthday greeting ng aktres kay Zanjoe na nag-birthday nitong July 23.

“Maligayang bati sa iyong kaarawan ngus! Palagi akong masaya sa lahat ng naabot mo at palagi kitang ipagmamalaki hindi lang bilang napakahusay mo sa trabaho. (pinapahanap ka pa din ni steven spielberg) kung hindi, mas mahusay kang tao.

“Alam kong habang buhay kitang matatakbuhan kapag kailangan kong tumawa at makalimot. Mapalad kaming mga tropa mo. Kampai sa lahat ng mga pangarap na maabot mo pa! Mahal kita ng walang malisya!! Mag gin ka buong araw please!!” saad nito sa kanyang Instagram post kasama ng kanilang pictures together.

Reply naman ng aktor, “Wahaha (laughing emoticon) salamat sa lahat lahat! Mas mahal kita kesa sa kwatro kantos.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Marami nag-react sa mga tagasuporta ng dalawa. May netizen pa nga na humiling na sana sila na lang daw dalawa. Malabo naman ito dahil masayang-masaya ang aktres sa kanyang lovelife.

Isang netizen rin ang nagkumpara sa samahan ng dalawa sa pelikulang “My Amanda” na pinagbidahan nila Piolo Pascual at Alessandra de Rossi.

Close na close kasi ang dalawa at walang malisya ang pagkakaibigan. Parehas na parehas talaga sa kung paano ang samahan nina Fuffy and Fream sa pelikula pati na rin ang paraan ng asaran kaya siguro ito nasabi ng netizen.

Umugong noon ang balita na may relasyon ang dalawa ngunit agad naman itong itinanggi ng aktor.

Maraming Kapamilya shows na rin ang pinagsamahan ng dalawa tulad ng “Walng Hanggang Paalam”, “Playhouse”, at gag show na “Banana Split”. Nagkasama rin ang dalawa sa pelikulang “One More Try”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, busy ang dalawa sa kanya-kanya nitong buhay.

Si Zanjoe ay abala para sa kanyang bagong teleserye na “The Broken Marriage Vow” na pagbibidahan nito kasama sina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez.

Si Angge naman ay nagdiwang kamakailan ng first anniversary nila ng kanyang boyfriend na si Gregg Homan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending