Derek tinawag na bruha si Ellen Bandera

Derek tinawag na bruha si Ellen

Therese Arceo |July 23,2021
share this

Derek tinawag na bruha si Ellen

Therese Arceo | July 23, 2021 - 02:06 PM

(Courtesy: Derek Ramsay Instagram)

HINDI naman talaga papaawat ang sweetness nila Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Good ang kilig vibes ang palaging hatid ng dalawa kaya naman patok na patok sa mga netizens ang nakakatuwa at sweet posts nila.

Sa bagong video na inupload ng hunk actor, makikita kung gaano kasaya ang relasyon ng dalawa.

Makikita ang aktres na tawa nang tawa at tila may ipinapakita sa aktor mula sa kanyang cellphone.

Sa caption nga nito ay pabiro pa niyang tinawag na bruha ang sexy actress.

“Sorry for posting this vid again but this is why I love you so much!

“Thanks bruha for bringing so much happiness in my life. #SoontobemrsR,” caption ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Ayon sa aktor, ibinahagi niya amg video para ipakita kung gaano napapasaya ni Ellen ang kanyang araw.

Hindi talaga nag-mintis ang dalawa na pakiligin ang madlang pipol buhat nang ianunsyo nito ang kanilang relasyon.

Comment nga ng ilang netizens, bagay na bagay sila at marami rin ang mga napa-sana all.

Mukha rin namang maayos ang relasyon ng aktor sa anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias.

Sa katunayan, may mga Instagram stories rin si Ellen na nagpapakita ng closeness ng dalawa.

Perfect na perfect talaga ang dalawa at hindi na makapag-hintay ang kanilang supporters para maikasal ang mga ito lalo na at may pasaring pa ang hashtag nito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending