Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya | Bandera

Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya

Reggee Bonoan - July 22, 2021 - 03:51 PM

TINULDUKAN na ni Robin Padilla ang usapin tungkol sa posibleng pagpasok niya sa mundo ng politika.

Ipinagdiinan ng aktor na wala siyang kaplanu-planong tumakbo sa kahit anong posisyon sa darating na Halalan 2022.

Sabi ni Binoe hindi raw niya kaya ang P150 million na panggastos para sa kampanya kung tatakabo siya bilang gobernador ng Camarines Norte sa Bicol Region.

Bukod sa pagiging gobernador ay lumutang din ang pangalan ni Robin na isa sa possible candidates na kasama sa PDP-Laban kung saan magiging katiket din daw niya sina Willie Revillame at Raffy Tulfo na inaawitan din ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anyway, sa pagpapatuloy ng tsikahan ng mag-asawang Robin at Mariel Rodriguez sa part 1 ng vlog ng huli na uploaded sa kanyang YouTube channel ay napag-usapan din nila ang politika.

Dito nabanggit nga ng aktor na may pangako siya sa mga kababayan niya sa Bikol, pero nang malaman niya ang laki ng halagang magagastos ay umatras na siya.

Ang tanong ni Mariel, “Maraming may gustong mag-politics ka, what is stopping you?”

“Ang nangyari naman ngayong darating na 2022, kinonsider ko ‘yan alam mo ‘yan nu’ng nag-usap tayo, gusto ko nga sa Bikol.

“Kasi ang nasa isip ko 10 million o 20 million (magagastos), siguro kaya naman kitang utangan no’n?  Kasi meron ka namang naitago, eh.  Hindi naman ako naniniwala na ginastos mo lahat (sa pagsa-shopping) sa bag,” nakangiting sabi ng aktor.

Hirit ni Mariel, “Yes and para i-clear natin sa kanila (publiko), ‘yung pera ko, pera ko, ‘yung pera mo, pera mo.  Pero siya ang nagbibigay ‘yung para sa amin dito sa bahay (bills, pasuweldo sa mga kasama sa bahay at pagkain).

“Pero ‘yung mga luho ko, mga damit na binibili kong mamahalin para sa mga anak ko basta anything luxury, anything out of the necessity sa akin ‘yun galing.

“Kasi sinasabi nila (publiko) inuubos ko raw ‘yung pera mo!  ‘Yung mga kalokohan ko akin ‘yun ‘no, hello!” diin ni Mariel.

Sinang-ayunan naman ni Robin ang mga pahayag ng asawa na hindi nito ginagalaw o inuubos ang pera niya.

Sabi pa ni Mariel, “Masipag po ako!” 

Oo naman, matagal na naming alam lahat ng mga ginagawa ni Mariel para kumita ng pera at dalaga palang siya ay marami na siyang investments.

Say naman ni Robin, “Saka hindi kalokohan ‘yun, investment ang mga ‘yun.”

Napahiyaw si Mariel, “Thank you investment ‘yun!”

“Kasi nu’ng minsang nagbenta ka ng mga bag at sapatos, naanggihan pa ako ng 20 thousand. ‘O babe kumita ako!’ Gulat na gulat ako binigyan ako ng beinte mil!” masayang kuwento ng aktor at producer.

“Kasi para ma-feel din naman niya na siya rin nakakatanggap kasi lagi na lang siyang out-out para ma-feel din niyang meron ding in,” paliwanag ni Mrs. Robin Padilla.

At nang bumalik na sa usapang politika, “Ang sabi sa akin 150 million! Sabi ko, ‘Ha? For local government, governor?’ At ‘yun pa raw ang pinakamaliit (na gastos).

“Sabi ko, e, teka muna. Kung magbebenta kami ng ari-arian para pondohan ‘yung pagkandidato na ‘yun at sabihin na nating nanalo ka…”

Hirit kaagad ni Mariel, “Ganito, ako na ang magsasabi mapipilitan ka talagang maging corrupt (kasi) babawiin mo ‘yung bahay mo, eh (tawa nang tawa si Robin).

“Alangang pumayag na lang ako na ibinenta mo ang mga ari-arian natin tapos nawala na lahat dahil ikinampanya natin siyempre kailangan bumalik ‘yun at doon papasok ang corruption!”

At ang final say ni Binoe, “Kaya nagdesisyon talaga ako na hindi talaga (papasok sa pulitika). Kaya ‘yung mga kababayan po natin sa Camarines Norte, patawarin n’yo po ako, hindi na po kaya. Gusto kong magdala ng pagbabago sa inyo dapat umpisa palang. Pagpasok ko palang, pagbabago na kaagad hindi ‘yung mangangako ako na ganito-ganyan kasi bola na ‘yan.”

Habang sinusulat din namin ang balitang ito ay tinanong namin si Mariel kung anon a ang final decision ng asawa niya sa mga humihimok sa kanya sa politika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya tatakbo,” sagot sa amin ng wifey ni Binoe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending