Bea, Dominic may aaminin pagbalik ng Pinas? Bandera

Bea, Dominic may aaminin pagbalik ng Pinas?

Therese Arceo |July 21,2021
share this

Bea, Dominic may aaminin pagbalik ng Pinas?

Therese Arceo July 21,2021 - 03:36 PM

MATAGAL na ring usap-usapan kung ano nga ba ang tunay na relasyon ng bagong Kapuso artist na si Bea Alonzo sa hunk actor na si Dominic Roque.

Matapos ang paghihiwalay nila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson, naging low key na ang aktres sa pagbabahagi ng mga detalye tungkol sa kanyang lovelife.
Sa katunayan, nitong April, 2021 lang inamin ng aktres na “dating” na ang status nila ni Dominic matapos ang matagal na pananahimik sa pagkaka-link sa aktor.

Ngunit ngayon ay patuloy ang pagte-trending ng dalawa dahil sa kanilang mga Instagram posts.

Kamakailan lang ay nag-viral ang rumored couple nang mamataang magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo, ang tiyahin ni Dominic.

At ngayong araw naman ay tila all out na ang dalawa sa kanilang relasyon nang i-celebrate ni Dominic ang kanyang 31st birthday kasama.

Walang sweet greeting ang aktres ngunit sa isang IG story ni Dominic ay makikitang sweet na sweet na magkasam ang dalawa. Mayroon din silang picture kung saan magka-holding hands pa.

Sa ngayon, wala pa ring kumpirmasyon kung silang dalawa na nga ba pero may aaminin na kaya sila sa pagbabalik nila sa Pilipinas?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending