Bea, Dominic magkasamang um-attend sa pa-baby shower ni Beth Tamayo sa US | Bandera

Bea, Dominic magkasamang um-attend sa pa-baby shower ni Beth Tamayo sa US

Ervin Santiago |July 19,2021
facebook
share this

Bea, Dominic magkasamang um-attend sa pa-baby shower ni Beth Tamayo sa US

Ervin Santiago - July 19, 2021 - 09:06 AM

IBA’T IBA ang reaksyon ng mga netizens nang makitang magkasama ang Kapuso actress na si Bea Alonzo at ang hunk actor na si Dominic Roque sa baby shower ng anak ni Beth Tamayo.

Kumalat ang litrato at video ng rumored couple na kuha sa naganap na baby shower para sa ipinagbubuntis ng hindi na gaanong aktibong aktres na si Beth sa San Francisco, California.

Nagdadalang-tao ngayon si Beth sa una nilang anak ng asawang si Adam Hutchinson. Matagal na siyang naka-base sa Amerika at doon na rin nagtatrabaho.

Sa mga hindi pa aware, magkamag-anak sina Beth at Dominic kaya hindi nakapagtataka kung bakit present ang aktor sa naganap na baby shower at kasama pa ang kanyang rumored girlfriend.

Magkasamang nagbabakasyon ngayon sa Amerika ang dalawa kaya naka-segue sila sa pa-party ni Beth. 

Makikita sa Instagram post ng kaibigan ni Beth na si Fanny Zha ang ilang photo na kuha sa event kabilang na nga ang litrato nina Bea at Dominic. 

Mababasa sa caption ng litrato ang mensaheng, “Can’t wait to meet you, Baby Hutchinson (heart emojis).”

Bukod dito, may isang video rin kaming napanood kung saan nahagip ng camera si Bea kung saan makikita ang aktres na masayang pinapanood ang mga palaro sa baby shower.

May mga nagkomento ng negatibo sa litrato nina Bea at Dominic kasabay ng hamon na ipagsigawan na nila sa buong mundo ang kanilang relasyon at huwag nang magpatumpik-tumpik pa.

Pero mas marami namang netizens ang natuwa at na-excite nang makita ang dalawa na magkasama sa pa-baby shower ni Beth. Para sa kanila naman, hindi na kailangang umamin pa sina Bea at Dominic dahil kitang-kita naman ang ebidensya.

Kung matatandaan, nagpunta sa US ang aktres noong July 6 para sa ilang araw na bakasyon. Ito’y  matapos siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA 7.

Nabuking naman ng netizens na si Dominic nga ang kasama ni Bea na nagtungo sa US nang kumalat ang ilang litrato nila na kuha sa airport. Idagdag pa ang mga “clues” na ipinost mismo ng celebrity couple.

Samantala, pagbalik ni Bea sa Pilipinas ay inaasahang magsisimula na siyang magtrabaho sa GMA, kabilang na riyan ang shooting para sa gagawin nilang pelikula ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatapos nito, isusunod na agad ang unang teleserye niya sa Kapuso network. Wala pang ibang detalye na ibinibigay ang GMA tungkol dito pero siguradong magugulat daw ang mga manonood sa magiging karakter dito ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending