Angeline palaging kasama ang namayapang ina sa loob ng kanyang van | Bandera

Angeline palaging kasama ang namayapang ina sa loob ng kanyang van

Ervin Santiago |July 15,2021
facebook
share this

Angeline palaging kasama ang namayapang ina sa loob ng kanyang van

Ervin Santiago - July 15, 2021 - 09:09 AM

ANGELINE QUINTO

SA wakas, pinagbigyan na ni Angeline Quinto ang matagal ng request ng kanyang nga fans — ang magkaroon din siya ng tour sa loob ng kanyang sasakyan.

Aminado ang biriterang singer at aktres na pangalawang tahanan na niya ang kanyang van dahil mas matagal pa siyang namamalagi rito kesa sa kanyang bahay.

At bilang sorpresa kanyang mga supporters at subscribers sa YouTube, gumawa siya ng isang vlog para ipakita kung anu-ano ba ang nasa loob ng kanyang second home.

“Alam n’yo po, napakarami talaga ng tao ang nagtatanong sa akin na nagrerequest sila para sa van tour. At ngayong araw na ‘to, dahil mag-a-out-of-town kami, bago po ‘yan, gusto ko po kayong i-tour sa aking van,” simulang pahayag ni Angeline. 

Sey ng singer-actress, walang-wala raw ang kanyang sasakyan kung ikukumpara sa gamit ng ilan sa mga kapwa niya artista na talaga raw bonggang-bongga.

“Itong van na ‘to, sobrang simple lang siya hindi katulad ng mga van ng ibang mga celebrities na talagang sobrang ganda ng loob at sobrang gamit na mamahalin. 

“‘Yung akin simple lang pero gusto kong i-share sa inyo kung ano ang mga lagi kong dala, kung ano ‘yung nasa loob ng van na ‘to,” pa-humble pang pahayag ng dalaga. 

“Siyempre dahil favorite color ko ang green, mapapansin po ninyo, ‘yung mga frame na may picture with Mama Bob (namayapa niyang nanay) nandiyaan. Tapos ito rin. 

“Talagang dinispley ko ‘yung mga pictures with Mama Bob para maramdaman ko na kahit saan ako magpunta, kasama ko ang Mama. Kaya ayan, isa ‘yan sa mga espesyal na nandito sa loob ng van,” chika pa ng singer.

Ibinida rin niya ang kanyang workstation sa loob ng van na madalas niyang ginagamit kapag pina-practice niya ang mga piyesang kakantahin niya sa mga shows.

“Dito ako madalas nagre-review ng mga kanta kapag on the way ako sa ASAP or meron akong kailangan puntahan na show or mga raket.

“Tapos nilagyan ko siya ng maliit na table tapos nandito ‘yung laptop ko kasi siyempre ‘yung mga songs ko. Minsan nag-aaral ako diyan,” kuwento ni Angeline. 

Dagdag pa niya, ito rin ang ginagamit niyang puwesto kapag nakikipag-virtual meeting siya tungkol sa trabaho.

“Kapag ho on the way sa pupuntahan kong trabaho kailangan ko po mag-Zoom meeting, ‘di ba ho isa ‘yan sa lagi nating ginagawa ngayon. Dito na lang ho ako umuupo. 

“Dito ho talaga ‘yung pinaka area ko sa trabaho ko, sa mga songs na kailangan kong aralin or halimbawa may ka-video call na kailangan kong kausapin na tao para sa work. Dito ‘yun. Dito ko siya lagi ginagawa,” paliwanag pa niya.

Siyempre, meron din siyang sariling tulugan sa loob ng kanyang van. Dito siya nagpapahinga o natutulog kapag naka-break siya sa trabaho. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Itong upuan na ‘to, kaya siya para talagang pahaba, kasi pwede po itong maihila dito. Tapos magiging para siyang kama,” chika pa ni Angeline. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending