Pia namimilipit sa sakit kapag umiinom ng kape: Kung ayaw na ng katawan mo ganu'n talaga... | Bandera

Pia namimilipit sa sakit kapag umiinom ng kape: Kung ayaw na ng katawan mo ganu’n talaga…

Ervin Santiago - July 15, 2021 - 09:07 AM

NAGULAT si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach matapos matuklasan na mataas pala ang level ng cholesterol niya sa katawan.

Wala naman daw kasi siyang kakaibang nararamdaman at feeling healthy naman siya, pero nang magpatingin daw siya kamakailan ay nalamang meron siyang high cholesterol.

Nagbigay ng health update ang actress-beauty queen sa kanyang mga fans and supporters sa pamamagitan ng social media.

Nag-post siya ng litrato sa Instagram Stories at sinabing, “Starting the day with a good workout. Akalain mo yun mataas daw cholesterol ko kaya eto double time na sa pag seseryoso. 

“Kahit naman anong itsura mo sa panlabas e kung mataas cholesterol mo pano na,” aniya pa.

Pahayag pa ng dalaga, ang pagkakaroon ng disiplina at consistent workout routine ang talagang susi para ma-achieve ang inaasam na healthy body.

“I learned that consistency is key sa pagiging healthy. Hindi phases, hindi taas baba, dapat lifestyle na talaga siya,” sabi ni Pia.

Samantala, bukod sa mataas na cholesterol, nadiskubre rin niya last year na siya’y lactose intolerant.

“Ang tagal kong tina-try i-figure out kung bakit laging namimilipit ako sa sakit tuwing umiinom ng kape. Yung milk pala. 

“Sayang kasi love na love ko kumain ng dairy products lalo na ng cheeses but oh well. Kung ayaw na ng katawan mo ganon talaga haha,” chika ng dalaga.

Diin pa ng beauty queen, ibinabahagi niya ang kundisyon ngayon ng kanyang kalusugan para magbigay ng awareness sa madlang pipol na hindi pwedeng malaman ang tunay na estado ng kalusugan ng isang tao sa pamamagitan lamang ng itsura o  katawan.

“I’m sharing this to let you guys know na minsan wala talaga sa panlabas na itsura yung kalagayan ng katawan mo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Listen to your body, make the necessary changes and your health will improve. Some of these challenges are reversible,” diin pa ni Pia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending