Jennica sumobra na raw ang kapayatan: Kumakain po ako, hindi ako underweight
NAGPALIWANAG ang Kapuso actress na si Jennica Garcia matapos makatanggap ng mga komento mula sa netizens tungkol sa sobra daw niyang kapayatan.
Siniguro ng aktres na maayos daw ang kundisyon ng kanyang katawan at hindi raw totoo na napapabayaan na niya ang kalusugan matapos makipaghiwalay sa asawa niyang si Alwyn Uytingco.
Nagsimulang mag-alala at maalarma ang mga followers ni Jennica sa social media nang mag-post siya ng isang litrato na kuha sa location ng kanilang lock-in taping. Kitang-kita sa picture ang kurba ng kanyang katawan.
Ayon sa ilang netizens, feeling nila sobrang payat na raw ni Jennica at baka raw underweight na ito. Dapat daw ay magpatingin na siya para malaman ang sanhi ng hindi niya pag-gain ng weight.
Sa kanyang Instagram account, ipinaliwanag ni Jennica na kumakain siya araw-araw at totoong hindi siya nag-e-exercise para magbawas ng timbang. Bata pa lang daw ay siya ay ganu’n na talaga ang katawan niya.
Dito ibinahagi niya ang kanyang throwback photo kasama ang mga kapwa Kapuso stars na sina Chynna Ortaleza at Chariz Solomon na kuha noong 2009.
Aniya sa caption, “I understand your worry about my weight. My father became worried about it too so he brought me to the hospital last April to get an overall checkup and results were all normal.
“I discovered that my heart is smaller than how it should be when I was only seven years old that is why it is not unusual for me to faint/collapse when feeling an extreme emotion crying/excitement but again, other than that, everything is normal,” bahagi ng pahayag ng aktres hinggil sa kanyang health condition.
Sabi pa ni Jennica patungkol sa ipinost niyang throwback photo, “As you can see mukha kaming tatlong kawayan. Kawayan pa rin po kami ngayon.
“Chyns has 2 kids just like myself, while Chariz has 3 and yet we all still have the same body frame,” dagdag pang sabi ng Kapuso star.
Paniniguro pa niya sa kanyang mga followers, “I am not underweight. I do not exercise or follow a diet either to be in the body shape that I am in. Last time I exercised, hindi pa po ako Nanay. Rest assured, the production feeds us well.”
Inamin naman ng anak ni Jean Garcia na dahil nga sa kulang siya sa exercise dahil sa kanyang hectic schedule, kinakailangan niyang kumain ng maraming gulay, lalo pa’t mahilig din siya sa mga pagkaing mataas sa cholesterol.
Aniya pa, “Kailangan talaga mag exercise kahit po payat not for weight loss but to live longer at makasabay sa mga physical activities ng ating mga anak.”
Samantala, nag-explain din siya sa mga nagkomento sa isa pa niyang IG post kung saan ipinakita niya ang kanyang pagkain habang nasa lock-in taping. Sobrang kaunti raw kasi ng kanyang food habang nagtatrabaho.
“My ‘kain tayo’ post where I shared a photo of my meal before… Hindi po konti yun. Yun ang pagkain ng lahat ng tao dito sa Las Hermanas (bagong serye ng GMA).
“Hindi lang naka plato kaya mukhang konti but that is 1 cup of rice with 2 chicken parts. The production feeds us well,” sey pa ng aktres.
Single parent ngayong maituturing si Jennica dahil hiwalay na nga sila ni Alwyn. Nasa pangangalaga niya ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori at Alessi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.