Joem naging 'unfaithful' din noong kabataan: Ngayon, kapag nasa isang relationship ako, doon lang ako | Bandera

Joem naging ‘unfaithful’ din noong kabataan: Ngayon, kapag nasa isang relationship ako, doon lang ako

Ervin Santiago - July 11, 2021 - 09:01 AM

UMAMIN ang aktor na si Joem Bascon na naging “unfaithful” na rin siya pagdating sa usapin ng pakikipagrelasyon.

Natanong kasi sa nakaraang face-to-face presscon ng bago niyang movie na “The Other Wife” kung may pagkakataon ba na hindi siya naging tapat sa taong nakarelasyon niya.

“Siguro noong kabataan, noong sobrang young days, baka pupuwede kong sabihin na unfaithful. 

“Ako, I’m speaking for myself, kapag nasa isang relationship ako nag-i-stick na lang ako roon. 

“Pero kung kailangan na mag-move on, nagmu-move on na ako kaysa magkaroon pa ng gulo o pagkakagulo,'” paliwanag ni Joem.

“Parang it’s better na mag-usap na hanggang doon na lang ‘yon,” aniya pa.

Samantala, sa isang vlog naman ay sinagot ng partner ni Meryll Soriano kung paano niya hina-handle ang pamba-bash sa kanya ng mga netizens.

“Siguro kung ano ‘yung gusto nilang sabihin about me or sa nangyari, I guess sa kanila na lang. 

“Kasi hindi ko naman talaga nasabi ‘yung side ko at hanggang ngayon pinili ko talagang hindi siya sabihin. Kasi iba ang nangyari sa mga sinasabi,” aniya.

Wala mang binanggit ang aktor, malamang ang kanyang tinutukoy ay ang tungkol sa pangnenega sa kanya ng ilang bashers matapos silang maghiwalay ng vlogger na si Crisha Uy na sinundan ng pagbabalikan at pagkakaroon nila ng anak ni Meryll.

Sa ngayon, ani Joem, super happy na siya sa piling ni Meryll kasama ang kanilang anak at wala na siyang mahihiling pa kundi ang maayos na kalusugan ng kanyang pamilya.

“Sobrang happy ko. Hindi ko siya ma-explain. Basta sobrang saya ko. Hindi ko naramdaman siguro ‘yung pandemic, ‘yung quarantine because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin.

“I’m just happy na nagkaroon kami ng blessing noong nangyayari ‘yung kaguluhan sa buong mundo. And I guess ayon ‘yung sagot namin to be strong, to be loving, sa bahay namin para mabigay namin lahat ng pangangailangan sa anak namin,” aniya pa. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na via streaming ang “The Other Wife” simula sa Hulyo 16, kung saan kasama rin ni Joem sina Lovi Poe at Rhen Escano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending