Vice binigyang-pugay si Noynoy Aquino: As a Filipino I am grateful for your integrity | Bandera

Vice binigyang-pugay si Noynoy Aquino: As a Filipino I am grateful for your integrity

Ervin Santiago - June 25, 2021 - 08:35 AM

MAY madamdaming pa-tribute rin ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda para kay former President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Proud na ibinandera ng TV host-comedian na may malaking kontribusyon din sa kanyang showbiz career ang yumaong kapatid ng kaibigan niyang si Kris Aquino.

Bukod sa pag-aalay ng panalangin sa noontime show nilang “It’s Showtime” at sa ipinost niyang mensahe sa Twitter, binigyang-pugay din niya si P-Noy sa kanyang Instagram account.

Kagabi, sinabi ni Vice na isa sa maituturing niyang highlight ng kanyang showbiz career ay nang ma-interview niya ang dating pangulo sa dati niyang programa sa ABS-CBN na “Gandang Gabi Vice” (GGV).

Ang kanyang one-on-one interview kay P-Noy ay naganap pa sa Malacañang noong 2015. Aniya, isa raw ito sa best episodes ng dati niyang weekly talk show.

Ibinahagi ni Vice sa IG ang isang throwback photo ng GGV team kung saan kasama nga nila ang yumaong former president.

Ani Vice sa caption, “I had the privilege to interview you for Gandang Gabi Vice during your term as President.

“That was one of the highlights of my career and also one of the best episodes of my program.

“Thank you very much Sir Noy for the honor to personally meet you and have that once in a lifetime experience. As a Filipino I am grateful for your integrity.

“May you rest in peace our 15th President of the Philippines, Benigno Aquino III,” lahad pa ng TV host at komedyante.

Kung matatandaan, sa nasabing episode ng “GGV” nasaksihan ng madlang pipol ang funny side ni P-Noy. Biro pa nga ni Vice, siya raw ang pinakaguwapong Pangulo sa bansa pero sagot nito sa kanya, nakaupo pa raw kasi siya sa puwesto kaya nasabi iyon ni Vice.

Bago matapos ang programa, sinabi pa ni Vice na para sa kanya ay si P-Noy ang “pinakamatinong presidente.”

“Gusto ko hong magpasalamat sa inyo. Ito po seryoso po ito.

“Magmula ho nu’ng nagkaroon ako ng muwang dito sa mundo at naimulat ang mata ko, masasabi kong kayo po ang pinakamatinong presidente ng bansa ko na naranasan ko, matapos ang nanay n’yo.

“Magmula po noong bumoto ako, kayo lang po yata ang binoto ko sa presidente na hindi ko pinagsisihan,” pahayag ng Kapamilya comedian.

Inamin naman niya na totoong may mga weakness din ang kapatid ni Kris, “Bilang isang normal na tao, meron kayong mga kahinaan, may mga sablay kayo minsan.

“Pero masasabi ko po, nagpapasalamat pa rin ako at kayo ang Pangulo ng bansang ito sa ngayon dahil nakakatulog ako sa gabi at sigurado ako na hindi ako nanakawan ng Pangulo ko. Maraming-maraming salamat po,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw si P-Noy kahapon ng umaga, June 24, dahil sa renal disease secondary to diabetes. Siya ay 61 taong gulang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending