TV host-comedian na si Shalala pumanaw na sa edad 61 | Bandera

TV host-comedian na si Shalala pumanaw na sa edad 61

- June 23, 2021 - 11:27 AM

NAGLULUKSA na naman ngayon ang entertainment industry sa pagpanaw ng TV host-comedian na si Shalala. Siya ay 61 years old.

Sumakabilang-buhay ang komedyanteng si Shalala o Carmelito Reyes sa tunay na buhay ngayong umaga matapos ma-cardiac arrest.

Kinumpirma ng kapatid ni Shalala na si Anthony Reyes ang malungkot na balita kasabay ng pagsasabing para na rin silang nawalan ng pakpak sa biglang pagkawala ng TV at radio personality.

Sa panayam kay Anthony, sinabi nitong itinakbo nila si Shalala kahapon sa Fe del Mundo Medical Center at na-revive naman daw ng mga doktor.

Ngunit kaninang umaga nga ay binawian na ito ng buhay.Ayon pa sa kapatid ni Shalala, na-confine last week ang komedyante sa National Kidney Institute dahil sa sakit nitong pulmonary tuberculosis at na-discharge makalipas ang ilang araw.

Medyo gumaganda na raw ang kundisyon nito hanggang sa itakbo na nga uli nila kahapon ang TV host sa ospital.

Sa ngayon, wala pang detalyeng inilalabas ang pamilya ni Shalala kung saan ibuburol ang kanyang labi.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Shalala sa social media.

Sunud-sunod din ang pagpo-post ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz ng magagandang alaala nila kasama ang komedyante. Isa na nga riyan ang kaibigan niyang si John Nite.

Binigyan ng tribute ng TV host si Shalala sa pamamagitan ng Facebook kung saan ibinahagi niya ang huling mga litrato nila ng komedyante na kuha two weeks ago.

“OUR KA-FAM IS DEEPLY SADDENED AS HIS LAST FEW WORDS TO US WERE ‘MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT, KAY MAM CECILLE, SIR PETE AT RAOUL, WILBERT TOLENTINO…. OK NA AKO …’

“IN SUPPORT LAHAT UP TO HIS LAST BREATH SA HOSPITAL TO DO WHAT SHOULD BE DONE … WILL MISS YOU,” mensahe pa ni John Nite.

Bukod sa pagiging radio at TV host, nakagawa rin ng ilang pelikula si Shalala at nabigyan pa ng launching movie noong 2014, ang “Echoserang Frog”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang namayapang si German “Kuya Germs” Moreno ang nagbigay sa kanya ng break sa radyo at telebisyon at si Kuya Germs din ang nagbigay sa kanya ng screen name na Shalala.

Bago makilala sa mundo ng showbiz, nagtrabaho muna si Shalala bilang advertising and promotions coordinator ng Viva Films at iba pang movie company.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending